Wala pang tatlong minuto ay nakapag-palit na agad si Christine ng pang-itaas niya. Nagmamadali siyang magbihis dahil ayaw niyang maabutan siya ni Gabriel. Naku, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung papaano pa ako haharap sa kaniya pagkatapos ng nangyari. Kung bakit naman kasi hindi ko talaga napigilan ang sarili ko. Naghihimutok si Christine at hindi alam kung ano ang sunod na gagawin. Bahala na. Iiwasan ko na lang siya sa maghapon. Sa buong araw nga ng convention ay naiwasan ni Christine si Gabriel. Sinasadya niyang maging tutok na tutok sa stage sa maghapong seminar. Maging lahat ng activities ay sinalihan niya para lang hindi magkaroon ng chance si Gabriel na lumapit at makipag-usap sa kaniya. Nang sumapit na ang gabi ay siniguro ni Christine na hindi sila agad