Nang makauwi si Gab, akala niya ay gising pa si Christine dahil naabutan niya itong nakaupo at may hawak na libro. Hindi niya napansin na nakapikit na ito at nakatulog nang nakaupo. Dumiretso lang si Gab sa bathroom to freshen up and change into pajamas. Paglapit niya sa kama ay saka lang niya napansin na nakapikit pala si Christine. Buong akala pa naman niya ay hindi siya nito pinansin kaya hindi din niya pinansin. Dahan dahan kinuha ni Gab ang hawak na libro ni Christine at inilapag sa kalapit na mesa. Pagkatapos ay inalalayan ang batok at likod ni Christine para maihiga ito nang maayos. Nang mailagay ni Gab ang isang kamay sa batok ni Christine, napatitig siya dito. Mahal, ang ganda ganda mo pa rin. Miss na miss na kita, Mahal. Parang naluluha pa si Gab habang sinasabi niya ito sa