Isang linggong namalagi sa apartelle sina Christine. Masaya naman ang mga bata na ang akala ay nagbabakasyon lang sila. Hindi sila naiinip dahil may cable TV at nakakapanood sila ng movies and cartoons. May malapit din na supermarket kaya nakapamili si Christine ng maraming snacks para sa kanila.Nakakapagluto din siya ng tatlong beses sa isang araw. Sa loob ng isang linggo ay nagfocus din si Christine sa paggawa ng thesis niya. Nang ikalimang araw nila sa apartelle ay iniwan ni Christine ang mga bata. Pumunta siya ng University para magprocess ng graduation requirements. Dumaan na din siya kay Monique para dalawin ito. “Hi, Christine! Sakto, tatawagan na talaga sana kita!” Tuwang tuwa si Monique pagkakita kay Christine. “Oh,bakit naman? May nangyari ba?” Parang nag-aalala si Christine