Kinahapunan ay naging abala na si Christine sa pagre-review ng mga sales report and market trends ng AIC. Napansin din niya na tama si Gab, kailangang mag-tayo ng branch sa south dahil hindi pa ito saturated. Habang nagnu-note siya ng mga TO DO ay may pumasok na notification sa laptop. Galing iyon sa HR na nagsasabing may company dinner at 7:00pm to formally welcome the new EVP, at siya yun. Tsk. Wala pa din palang pagbabago dito. Sabagay, okay nga para ma-meet ko na din yung mga hindi ko pa nakikilala. Dinampot niya ang cellphone at sinabi kay Joseph na late pa siya makakauwi. Ginanap ang company dinner sa isang Chinese Restaurant malapit lang din sa opisina nila. Pagpasok nila ni Leslie ay nandoon na si Gab, tumabi sa lamesa ng mga kalalakihan. Mukhang nagsisimula nang mag-inuman sa m