“Pauline, hindi pupuwede, alam mo naman kung bakit di ba?” Tumayo si Gabriel at lumapit kay Pauline. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. “Gabriel, alam mo naman ang kondisyon ng parents ko. Hinding hindi ako pwedeng sumuway sa kanila.” Buong buo na ang desisyon ni Pauline. “Pero hindi kita mahal. At saka may boyfriend kang iba di ba?” Nagmamakaawa na ang tingin ni Gabriel sa mga mata ni Pauline. Si Christine ay napatayo na din mula sa pagkakaupo sa sofa at nakatingin sa kanilang dalawa. “Ako na ang bahala kay Mark. Kakalasan ko na siya.” Hinawakan ni Pauline sa pisngi si Gabriel bago nagsalita uli. “Tingin ko naman ay hindi ka mahirap mahalin, Gabriel.” Hindi makapaniwala si Christine sa nakita at bigla na lang itong tumalikod at lumabas ng silid. Tinawag naman siya ni Gabrie