Chapter 61

2149 Words

"Hindi mo na mapapatawad si Merrick, ate?" tanong ni Damian kay Sage nang minsang dalawin niya ito. "Bakit sa tuwing pupunta ka na lamang dito ay iyan ang tanong mo sa akin? Napakarami mong pwedeng itanong bakit iyan na lamang madalas ang naririnig ko sa'yo?" May halong biro na balik ni Sage kay Damian. Ilang buwan na kasi ang nakalipas mula nang umalis ang dalawa at wala na siyang balita sa sa kung saan sila napadpad. Walang araw na hindi nag-aalala si Damian. Kaibigan niya rin sila kaya naman hindi niya maiwasang isip-isipin sila lalo na't parehong mga walang alam sa ang mga 'yon sa klase ng buhay na kanilang haharapin. Minsan ay sumasagi rin sa isip niya na baka napahamak sila. Hinarang ng masasamang loob o di kaya'y hinuli ng mga kawal sa isang lugar at nakapiit na sa kulungan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD