Sage's Point of View Bakit ba ako apektado sa narinig ko? Totoo kaya na si ama ang pumaslang sa mga magulang ni Merrick? Pero bakit parang mas apektado ako sa ibang narinig ko mula sa kan'ya kanina? Nainsulto? Hindi naman. Nasaktan? Ewan—parang. "B-Binibini—? Sage hija?" "P-Po?" bigla akong nahinto sa malalim na pag-iisip nang marinig ko ang pagtawag ni Aling Marta. Bahagya pa akong nagulat dahil mukhang sandali akong nawala sa ulirat at nakulong sa malalim na pag-iisip na iyon. "Ayos ka lang ba? Kanina mo pa kasi pinupunasan 'yang pinggan. Aba'y napakintab na yata nang husto at pwede na nating salaminan," aniya at napatingin nga ako sa pinggan na kay kintab na nga dahil sa ilang beses kong pagpapasada ng punas. Nawala na sa isip ko na may hawak akong babasagin na pinggan. Mabuti