Ilang araw pa ako nag stay sa hospital. Ang anak ko ay mag hapon na nakabantay sa akin at uuwi na lang sa hapon. Pinapakita ko sa kan'ya na marami akong kinakain at lagi pa ako nitong sinasabayan. Sinundo na 'to nila Ate Sam kaya ngumiti ako. Pag alis ng mga anak ko ay nawala ang ngiti ko. Huminga ako ng malalim at nag simula na naman tumulo ang luha ko. Masaya ako pag kasama ang anak ko pero pag mag isa na lang ako. Sobrang lungkot ko, nahihirapan ako mag isa, natatakot ako maging mag isa. Pinunasan ko ang luha ko at saka huminga ng malalim. Like the other day, Samuel stay in the hospital overnight. Wala kaming pinag uusapan na dalawa. Nakatalikod lang ako dito at tahimik na umiiyak hanggang sa makatulog. Dalawang araw pa ako nag stay sa hospital hanggang sa payagan na akong lumabas.