Kami ni Imogen ang nag ayos ng pag kain ng mga bata sa kusina. Habang si Samuel ay tahimik lang na nakaupo kaharap ang kan'yang pinsan. Hindi ko aakalain na sobrang close pala nila ni Kiefer pera puntahan dito ng madalas para lang i check 'to. Binigyan ko din ng pag kain ang harapan ni Samuel at saka umupo na sa tabi ng ana ko. Nakagitna ang aming anak sa aming dalawa. Tahimik lang 'to kumakain ng chicken habang may sabaw na gravy ang kan'ya kanin. Ganon ang mga mata dito. Nakasabaw ang gravy at nagulat ako ng gawin din ni Samuel 'yun at ni Kiefer. Mukang sa kanila mana lahat ng mga bata dito. Habang ako kumukuha ako sa bowl sa harapan ko gamit ang kutsara tapos isasabaw sa kanin ko at isusubo. Ganon lang ako at pati ginagawa ni Imogen ay gano'n din. "I want spicy, daddy." daing ng an