Natapos ako sa mga gawain ko at hinihintay ko na lang ang pag uwi ni Samuel. Huminga ako nang malalim, nakakain na ang anak ko ng hapunan pero ako hindi pa. Halos alas otso s'ya nakauwi at tulog na ang anak namin. "Bakit sira ang lock sa labas?" malamig na tanong n'ya sa akin at agad ko s'ya sinalubong para kunin ang gamit n'ya. "Sino sumira no'n?" hinawakan n'ya ang braso ko ng mahigpit. "Dumalaw dito ang lalaki mo 'no?" nagulat ako sa sinabi n'ya. "Samuel, hindi." kumunot ang noo n'ya. "Bakit sira gano'n? Sino pumunta dito!" galit na sabi n'ya sa akin. "Nandito kanina pamilya mo---" "Liar!" umiling ako dito. "I know you won't believe me but I am telling the truth. Wala akong lalaki, Samuel." Ngumisi s'ya sa akin na para bang hindi naniniwala. Nagulat ako ng hilahin ako nito sa