Huminga ako nang malalim at tinignan ang anak ko na mahimbing na natutulog. Sobrang inosente, walang alam sa mga bagay bagay. Walang alam sa mga nangyayari. Hindi ko man magawang protektahan s'ya mula sa babaeng 'yun. Hindi ko man magawang pawiin ang luhang tumutulo sa kanyang mga mata. Paano ko ba s'ya mapapasaya? He loves his father so much. Gusto n'yang bawiin ang daddy n'ya pero paano ko magagawa 'yun? Talo na ako sa laban na hindi pa nagsisimula? Kahit isang beses hindi n'ya ako mapaniwalaan. Sobrang hirap at di ko alam ano gagawin ko para lang tulungan s'ya. 'Yung nga sakit lang na nararamdaman n'ya, hindi ko magawan ng paraan. "I am really sorry, baby. I can't fight. Your mommy is weak." mahinang sabi ko dito. "I am weak, handsome." Sinuklay ko ang buhok nito. Huminga ako ng