Tahimik kong pinagmamasdan ang aking muka sa harapan ng salamin. May peklat ako sa gawing pisnge, isang mahabang peklat at hindi ko alam kung maalis pa. I have scar also sa tagliran.
Inayos ko ang buhok ko at saka huminga ng malalim. Pilit na inaalala kung sino talaga ako at bakit ganito ang nangyari sa akin. Bakit wala man naghahanap sa akin.
Hinaplos ko ang peklat ko. Nanang's said, nakuha ko 'to dahil dire-diretso ang bagsak sa bangin. Kung saan saan tumama ang muka ko, at ulo ko pero wala man ako maalala na may nangyari sa aking gano'n.
Natagpuan na lang nila ako ng mga kaibigan nila sa ibaba ng bangin. May saksak sa tagliran na kahoy na dahiln bakit may peklat ako. Duguan ang ulo, kaya mayro'n din akong peklat sa bandang ulo ko at malaking hiwa sa muka ko.
Hindi ko alam bakit ako napadpad sa lugar na 'yun, bakit wala akong maalala na kahit ano. Hindi ko alam kahit ang pangalan ko ay hindi ko maalala. Kung sino ba pamilya ko, kung saan ako nakatira. Walang wala akong alam sa sarili ko.
"Krista! Lumabas ka na para kumain!" Pinusod ko ang buhok ko at saka lumabas sa aking kwarto.
Nasa isang lugar kami na hindi matao. Kung baga puro puno ang nakapaligid at iilan lang ang nakatira. May isang resort na malapit dito na tago kung saan ako nagtra-trabaho bilang isang room service.
Tagong Resort ang pangalan ng lugar kung nasaan ako. Nasa parte sila ng Pangasinan kaso madalang puntahan pero makikita mo naman sa internet. Mahal ang pa-reserve sa lugar na 'to kaya siguro madalang din ang tao.
"Bilisan mo! May trabaho ka hindi ba?"
"Opo. Pasensya na kasi masyado akong pagod kagabi, Nag. Nag-over time po ako kasi sayang naman ang oras dahil wala naman akong ginagawa dito para din makatulong pa," Ngumiti sa akin 'to.
Nahanda sa harapan ang itlog at pritong saging, siningag na kanina. Tinimplahan din ako ni Namng ng kape.
"Kumain ka na ba, Nang? Dumaan na ba sila Jeya dito? Sabay daw kami papasok."
Sakto naman may pumasok sa loob. "Hoy! Akala ko late ka na naman magigising! Marami daw customer ngayon sa Resort ha!"
"Mabuti naman para mas malaki ang kita!" Natatawang sabi ko.
Kumuha na din s'ya ng pagkain at sabay kaming kumain. Umupo na si Inay sa tabi ko habang tahimik kami kumakain.
Dalawang taon na ako naninirahan sa lugar na 'to at isang taon na simula nagsimula ako nagtrabaho sa Tagong Resot. Mahirap mag-adjust dahil sa wala nga akong maalala at bago ang lahat sa akin.
Hindi naman tinago sa akin ni Namang ang totoo. Kung saan nila ako nakita kasama ang mga magulang ni Jeya, kung paano ako mag-fifty fifty sa hospital. Sinabi n'ya lahat sa akin pero wala akong maalala kung ano nangyari sa akin. Kahit ang mga pulis ay nagtatanong dahil may nakita din silang sasakyan at may tao sa loob. Patay na ang lalaki dahil mataas ang binagsakan nito lalo na't nasa loob pa ang sasakyan.
Noong pinakita sa akin ang lalaki ay hindi ko masabi kung kilala ko o hindi. Dahil wala akong maalala pero ang sabi ng Doctor this will be temporary pero bakit hanggang ngayon wala akong maalala?
May hinahanap ako na hindi ko maintindihan. May kakaibang hindi ko maintindihan.
May pamilya ba ako? Bakit hindi nila ako hinahanap?
Natapos akong kumain ay nag-ayos kami ni Jeya sa kwarto. Pilit n'yang tinatago ang peklat sa muka ko para lang walang mang-bully sa akin. Hindi ko aakalain na magkakaroon ako ng kaibigan na tulad n'ya.
"Smile na," Ngumiti ako dito.
S'ya lagi nag-aayos sa akin dahil kailangan sa trabaho namin ay laging nakaayos. Wearing a black slacks and Green tee-shirt with logo of Tagong Gapan.
Kinuha ko na ang itim na sandals ko. Nakakulong sa isang net ang buhok ko at saka kinuha ko na ang baon naming dalawa at tubig namin. Hindi naman kalayauan ang resort kaya naman nilalakad lang naming dalawa.
Medyo mahirap lang mga dinadaanan namin dahil puro bato.
Kaya naman nang makarating kami sa Resort ay dumiretso na kami sa Staff room para mag-time in at saka nilagay sa locker ang extra tee-shirt na dala ko saka ang baon naming dalawa.
"Bilisan n'yo! Summer na kaya maraming tao!" Agad kaming kumilos dahil sa sigaw ng manager.
Agad akong lumabas at saka pumunta sa receptionist. Eto ang role ko sa bawat araw dito, depende lang talaga sa dami ng tao. Minsan ume-extra ako bilang room girl pag kulang talaga sa tao.
Kulang naman talaga sa tao dahil bukod sa tagong lugar 'to, malayo sa bayan. Iilan lang kami dito, malaki naman ang resort pero ang mga kwarto dito ay parang kubo lang naman.
Mahangin na sobra at hindi na talaga kailangan ng aircon, walang signal pero mayaman naman sa tubig ang lugar na 'to.
Maganda naman ang kwarto, laging malinis at may sariling Cr. Sinisigurado ko namin lahat na maganda ang service dito. Sinisigurado namin lahat na satisfied silang lahat.
"Oo nga pala, may nag-post daw sa f*******: ng lugar natin kaya siguro maraming pupunta ngayon! Full daw reservation tapos 'yung iba mga ilang araw pa raw mag-i-stay dito!" Agad kong binuksan ang reservation book at nanlaki ang mga mata ko dahil totoo nga..
Meron kasi kami opisina sa bayan, doon pupunta ang mga may reservation at ihahatid na lang dito ng Van.
May iba ay isang linggo ang pag-stay dito! Nakakatuwa dahil mukang maraming kikitain ang resort.
"Malaking sweldo na naman 'to!" Sigawan naming lahat at nag-apir apir kami.
"Sakto malapit na birthday ni Nanang! Sigurado ako mapaghahanda ko s'ya kahit papaano!" Masayang sabi ko sa kanila.
"Sige! Ako na sa cake!" Kumindat sa akin si Jeya at agad akong tumango.
"Umayos na kayo! And'yan na ang Van!" Huminga ako ng malalim at sila naman ay pumwesto na sa kanilang pwesto.
Lahat kami ay nakangiti habang naghihintay ng mga tao.
Maraming malalaking bato sa Resort na pwedeng upuan, tungtungan. May falls din kami na malapit dito na pwedengg puntahana dahil may mga staff doon at life guard. Ilong na malinaw ang pinagmamalaki sa lugar na 'to.
Maaliwalas at laging malinis. Maraming activities, like zip line, cable car papunta sa taas kung saan mo makikita ang buong lugar. We have cave also here, the dark cave pero doon mo makikita magandang ilog. Pwede ka maligo at magpaanod pababa ng cave hanggang sa falls.
Safe naman dahil may mga net and something soft na nilagay kaya kahit tumama s'ya ay hindi masasaktan.
"Magandang buhay, magandang araw!" Sabay sabay naming sabi. "Welcome to our Tagong Resort, kung saan lahat ng gagawin mo? Ay mananatiling tago! Depende kung ikaw ang maglalabas!" Natawa ang ibang guest dahil sa sinabi namin.
May kumukuha ng video sa amin kaya naman lahat kami ay nakangiti.
Isa isa na lumapit sa akin at binibigyan namin ni Jeya ng isang kwintas na bulaklak. "Your reservation name sir, also your id?" He gave his ID to name and i checked his name. "Thank you for coming, Sir! Enjoy you staycation!"
Sa buong umaga ay halos wala akong upo dahil sa dami na dumadating hanggang sa puno na daw ang kwarto. Kaya naman tahimik na akong naupo.
Hinihilot ko ang paa ko habang si Jeya naman ay nakatayo sa isang lugar para maging tanungan. May dalawnang guide kami na nandito para ipakita kung saan sila pwedeng magpunta.
"Kakapagod," Tumango ako dito.
Halos ala una ng hapon.
"Tapos ka na kumain? Ako naman ha saka si Jeya."
Bawal kasi magsabay sa pagkain dito. As long as kailangan maiwan ay kailangan maiwan. Tinawag ko na si Jeya kaya agad kami pumunta sa staff room. Kinuha naman ang electric fan para itapat sa aming dalawa.
Kinuha ko ang baon naming dalawa at saka nagsimula na kumain. "Sabi daw ni boss, thirty percent daw dagdag sa sweldo natin! Okay na 'yun!" Tumango ako dito.
"Oo, kaysa sa ten percent!" Natawa kaming pareho.
Natapos kami kumain at namahinga sandali. Pinunasan ko ang pawis ko at saka kami nag-retouch pareho.
"Alam mo? Sobrang ganda mo kahit may peklat ka sa muka," Natawa ako ng mahina dito. "Tapos? 'Yung kulay mo? Para kang mayaman!"
"Baliw. Hindi naman siguro..." malungkot na sabi ko dito.
"Makakaalala ka din!" Tumango ako dito.
"Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. Saka? Masaya din naman buhay ko dito. Hindi magulo, pero sobrang tahimik," Tumango 'to sa akin.
May iilang guest ay isang araw lang ang stay kaya naman dumating sa susunod na araw ay may dumating na naka Van. Kahit na inaantok ako ay nanatili akong nakangiti. Karamihan ay puro one day pero sa buong month naman ay sure na sure may dadating dahil full ang reservation dito.
"Your name sir and ID?" He gave me his ID at check it quickly. "Enjoy your day, sir." Iniiwasan ko humikab sa harapan nila at nang matapos na bumalik ako sa staff room para lang umidlip.
Nag-over time na naman kasi kami kahapon ni Jeya at dahil na din kulang ang mga tao sa gabi kaya naman talagang kinuha na namin ang oras pero sobrang hirap. Kaya mamaya, aagahan ko ang uwi para makatulog agad.
"KRISTA! WE NEED YOU!" Agad ako nagising sa sigaw ng isang Manager.
Agad akong lumabas at pumunta sa Receptionist.
"Yes, sir? Anything's wrong?"
"We want to leave immediately for emergency but some staff says 'we can't' and why?" Tumitig ako dito.
"Your name, sir?"
"Arnold," Agad kong kinuha ang reservation book at nakita kong tatlong araw dapat sila dito.
"Sir. We can find you a van for you but the money you pay for your staying here? You can't refund it anymore, because we already used it for---"
"It's okay. We just need to leave," Agad akong tumango at sinenyasan ko na ang Manager.
"Ten minutes, sir. " Napangiti 'to sa sinabi ko.
"Thank you."
Kaya naman ng makaalis 'to ay agad ako nilapitan ng manager. "Thank you, Krista. Ang dami ko na utang sa'yo," Ngumiti lang ako dito.
Napahikab muli ako. "Sige, idlip ka ulit. Hindi kita isusumbong," Natawa ako ng mahina.
Kaya naman ay pumasok na muli ako sa staff room at muling natulog. Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog dahil narinig ko ang iilang tili ng katrabaho ko.