Kabanata 75

2151 Words

“Isinusumpa ko ang sasakyang ‘yan! Hindi mo na ako mapapasakay r'yan kahit kailan!” malakas na sigaw ni Rowena pagbabang-pagkababa niya sa Airfish 8 na pinagmamayabang sa kaniya ng kaniyang asawa noon pa at sinasabi niya ring gusto niyang bilhin. Nabilib na sana siya sa ganda sa loob at porma. Komportable rin sakyan dahil maluwang sa loob ngunit makalipas ang ilang sandali ay nagbago bigla ang isip ni Rowena. Muling napaduwal ang Ginang sa may buhanginan at sa di kalayuan naman ay lupaypay rin sina Lilith at Janina dahil sa labis na hilo. Halos naisuka ni Janina lahat ng mga kinain niya. Mangiyak-ngiyak at parang lantang-gulay na buhat ni Mav ang bunso niyang kapatid. Tinitignan niya rin si Lilith at inaalalayan. Nasa buhangin na ito nakaupo at parang tukong nakakapit sa maleta niya dah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD