bc

The Tambay & The Tomboy

book_age16+
837
FOLLOW
2.3K
READ
arrogant
badgirl
kickass heroine
neighbor
gangster
comedy
lighthearted
city
like
intro-logo
Blurb

When you witness the rare event of a meteor shower, myth has it that the one next to you ends up as your soulmate. Catherine can’t believe it as she’s watching it happen and Simon is the one sitting next to her!

How can a lesbian like her fall for a man like Simon? And how can she tell Simon that she’s actually in love with his cousin Grace? And to top it all off, how can she let the world know how she truly feels when she hails from a conservative family and is raised by three tough and strict older brothers?

Thanks to Simon, though. He supports Catherine and got her back. He helps Catherine confess her love for Grace and gives her the courage to reveal her true self.

But one mistake would change it all. A one-night stand would make Simon realize his true feelings for Catherine. Even if she rejects the idea, only fate would decide who her soulmate is.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: MAN-HATER
WIT WIW! WIT WIW! Pag daan ni Catherine sa tapat ng mga tambay, halos sabay sabay na nagsipulan ang mga nakaupo sa tapat ng tindahan ni Aling Marsha. Paano ba naman, napaka-sexy kasi ni Catherine, Cath na lang for short. Kilalang man-hater sa lugar nila. Pero kahit na napakasuplada niya, hindi pa din mapigilan ng mga kalalakihan na humanga sa kanya. Si Cath naman, kahit na alam niyang pinagnanasahan siya ng mga kalalakihan sa lugar nila, wala pa ding pakialam na nagsusuot pa din ng maikling shorts at ng hapit na t-shirt. Litaw na litaw ang sexy figure nito pati na ang napaka-kinis na mga hita. Umaalon-alon pa ang mahaba nitong buhok na may kaunting kulot at kakulay ng mais. Bagay na bagay sa maputi niyang kutis. Pero hindi siya takot sa mga tambay dito. Bakit kamo? E kasi, eto, nakasunod sa kanya ang tatlong kuya niya na mas siga pa sa mga tambay na ‘to! “Hoy! Sino sa inyo ang sumipol?” Galit na tanong ni Alex, panganay sa mga kuya ni Cath. Nataranta lahat ng tambay at nagturuan. “Nakupo, hindi ako, siya, siya, Lex, yung sumipol!” Sabay turo ni tambay #1 kay tambay #2. Sumagot naman si tambay#2. “Hala, bakit ako? Tignan mo nga oh, bungal ako, oh bungal!” Ipinakita nito ang makapal na gilagid. “Hindi ako nakakasipol! Mahirap sumipol!” “Siguro ikaw ano?” Pasinghal namang tanong ni Alwyn, ang ikalawang kuya ni Cath. Itinuro nito si tambay#3. “Boss naman, hindi po ako yun. Magagalit sa akin ang jowa ko kung sisipol ako kay Cath.” Sabay umakbay pa ito sa jowa niyang bading, na nakaupo sa tabi niya. “Humanda kayo. Kapag nahuli namin kayo sa akto na binabastos nyo si Cath, eto ang tatama sa inyo!” Si Alvin naman iyon na ipinakita pa ang malaki niyang kamao. Hindi na bago kay Cath ang eksenang ito. Mula nung tumuntong siya sa high school, noong trese pa lang siya, ay nagsimula na siyang mapansin ng mga lalaki. Pero sadyang suplada si Cath. Man-hater to the highest level! Kahit na siguro si Daniel Padilla pa ang iharap mo sa kanya, hindi matitinag si Cath. Ganoon katigas ang puso niya. At sa totoo lang, sa kapwa niya babae mas humahanga si Cath. Yes. Sa kapwa babae. Hindi pa naman umabot sa puntong nakipagrelasyon siya. Basta humahanga lang siya, at walang ibang nakakaalam ng sikreto niya. At ang pinagmulan ng pagiging man-hater niya ay dahil sa past niya. Naging saksi si Cath sa mga matitinding away ng tatay at nanay niya hanggang sa tuluyan na silang iwan ng tatay nila at sumama na sa ibang babae. Matinding manakit ang tatay nila. Nagugulpi ang nanay niya kapag hindi pa ito tumatahimik. Nakadagdag pa sa pagiging man-hater ni Cath ang tatlong sigang kuya na todo bantay-sarado sa kanya, dahil siya ang bunso at nag-iisang babae. At ang tatlong ‘to ay puro mga palikero. Mababait naman sila at masisipag pa. Kaya lang, may kanya kanyang nobya at ni isa sa kanila ay hindi naging seryoso sa mga karelasyon. Ang ending, ang dami daming napapakilala sa kanya at lahat yun ATE ang tawag niya. Litong lito na siya sa mga pangalan na kung minsan nagkakanda buhol buhol na ang memorya niya. Kaya kapag dinadala ng mga kuya niya sa bahay ang mga babaeng ito ‘sitsit’ at ‘huy’ na lang ang tawag niya. ‘Huy kain na tayo, tara sabay ka na sa amin’. O kaya naman, ‘Psst…tawag ka ni kuya andun sa kuwarto pasok ka daw’. Mga ganitong eksena sa bahay nila na mas safe kapag hindi niya tinatawag sa pangalan. Siguradong di siya magkakamali! Grade 6 pa lang si Cath nang iwan sila ng tatay nilang babaero. Tandang tanda pa niya ang araw na yon. Papaano kasi ay nahuli ng nanay niya sa akto ang tatay niya. Sabay umuwi ang mga ito galing sa labas. Narinig na lang nilang magkakapatid na nag-aaway na sila pag pasok pa lang sa pintuan. “Kayo talagang mga lalaki! Hindi talaga kayo aamin kahit na anong gawin sa inyo! Kitang kita na ng dalawang mata ko kung paano kayo naglalampungan nung babae mo sa loob ng taxi mo!” Halos nang-gagalaiti ang nanay niya sa galit. Tsuper ng taxi ang tatay ni Cath at gabing gabi na palagi umuwi. Minsan nga ay madaling araw pa. Base sa narinig niya sa pagbubunganga ng nanay niya, napadaan daw ito sa may gasoline station, nakita niya na nakaparada ang taxi ng tatay niya at mukhang may binibili sa kalapit na convenience store. Pero nanlaki ang mata ng nanay niya nang lumabas ang tatay niya na may kasamang babae at pareho silang dumidila ng icecream. Sinundan sila ng tingin ng nanay niya hanggang sa makapasok sila sa taxi ng tatay niya. At doon na niya nakita na pag-upong pag-upo ay agad na sinibasib ng halik ng tatay niya ang kasama nito. Iyon naman ay base lang sa narinig nila sa nanay nila. So one-sided. Hindi nila alam ang version ng tatay nila. “Ano? Hindi ka talaga aamin? Hindi ba’t sabay pa kayong dumidila ng ice cream pag labas niyo ng convenience store? At pagkatapos pag-upo na pag-upo ninyo sa loob ng taxi, kitang kita ng dalawang mata ko, yung nguso na ng babaeng haliparot na yon ang dinidilaan mo!” Nang-gagalaiti talaga ang nanay ni Cath sabay narinig niya na may lumipad na kung ano, mukhang ang remote ng TV. Wala pa ding narinig mula sa tatay niya. Motto kasi talaga ng mga lalaki yan. Kahit na anong mangyari “huwag kang aamin”. Tsk. Mayamaya ay umiiyak na ang nanay niya. Pumasok ito sa kuwarto. Sumunod ang tatay niya. Sabay sabay na lumabas mula sa kani-kaniyang kuwarto sina Cath at ang tatlong kuya niya at dahan dahang lumapit sa pinto ng kuwarto ng magulang nila. Sabay sabay din nilang inilapat ang mga tenga nila sa pinto. Sa ibaba banda ay si Cath at si Alvin. Sa itaas banda ay sina Alex at Alwyn. Tahimik na tahimik lang sa loob. Wala ni isang kaluskos. Sabay sabay silang nagkatinginan. Sa isip nila, iisa ang imagination nila. Naghahalikan na ang nanay at tatay nila! Magkayakap na sila at sinusuyo na ng tatay nila ang nanay nila! Malamang unti unti nang hinuhubaran ng tatay nila ang nanay nila. Yuck! Mukhang hindi naman ganun ang nangyari. Kasi biglang bumukas ang pinto at sabay sabay na nalaglag sa sahig ang apat! Saglit lang na nagulat ang tatay nila nang makita sila pero hinakbangan lang sila nito at lumabas na. “Aruuuy…” hawak hawak ni Cath ang ulo niya na umuntog kay Alex. “Aray, ulo ko nga ang masakit eh…napakatigas ng ulo mo Catherine!” Reklamo naman ni Alex. “Ang paa ko, paa ko….aray naipit mo kuya!” Sigaw naman ni Alvin kay Alwyn. Lahat sila ay nasaktan. Pero ang nanay nila ay tulala lang na nakatingin sa kanila. Nakaupo sa kama. Walang reaksyon ang mukha. Nakatingin lang sa kawalan. Ang tatay naman nila ay tuluyan nang nakalabas na bitbit ang isang malaking maleta. Tsaka lang natauhan ang apat at sabay sabay na tumayo at tumakbo palabas para habulin ang tatay nila. Dahil sabay na sabay silang apat, sabay sabay din silang kumalang sa pintuan ng sala. Hindi sila makalabas dahil naipit nila ang isa’t isa. “Ano ba…Catherine atras ka na.” Saway ni Alex. “Ano ka ba kuya, ako nga ang babae, makikinig sa akin si tatay!” Agad na sagot ni Cath. “Mag-si-atras nga kayo!” Sigaw naman ni Alvin. “Alam niyo namang ako ang bunsong lalaki! Ako ang paborito ng tatay!” Biglang umatras si Alwyn, nalaglag uli silang lahat dahil wala itong pasabi na basta na lang umatras. Na-out balance silang apat at ang siste, wala nang nakahabol sa tatay nila. Tunog na lang ng tambutso ng taxi ang narinig nila. BROOOM! BROOOM! Papalayo na ang taxi. Parang mga basang sisiw na sabay sabay din silang nag-iyakan habang mga nakaupo sa sahig. “Itaaaaay!!!!!” Totoong iyakan at hagulgol ang ginawa ng apat. Rinding rindi ang nanay nila at gusto silang lahat batukan. Sinaway sila at pinatahimik. Pero hindi nila pinapansin ang nanay nila. Tuloy pa din sila nang kakangawa. Hanggang maya maya ay naramdaman na lang nila ang malamig na tubig na ibinuhos sa kanila ng nanay nila. Sabay sabay din silang tumahimik at tumingala sa nanay nila. Puro basa ang mga mukha. “O ano? E di nagsitigil kayo!” Singhal sa kanila ng nanay nila sabay tumalikod na at bumalik sa kuwarto. ITO ANG PAMILYA NI CATH. Dahil sa kanila kaya takot si Cath magmahal ng lalaki. Alam niya na maganda siya at sexy. Kung tutuusin ay madali siyang makakahanap ng lalaki na magugustuhan niya. Pero nung araw na iniwan sila ng tatay niya, itinaga na ni Cath sa ulo ng mga kuya niya na hindi siya mag-aasawa at lalong lalo nang hindi siya magnonobyo. .

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
24.2K
bc

His Obsession

read
99.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
162.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
92.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook