Chapter 1: Preparation for the Prom

1145 Words
Chapter 1: Preparation for the Prom I was excited. Hindi ako makapaniwala na aayain ako ni Maverick upang maging date niya sa prom next week. He has been my crush for how many years already, and I never knew he would even know that I existed. Tumingin ako sa malaking salamin na nakapaskil sa gilid ng aking kuwarto. I was fat and my face was full of pimples... I had my insecurities too, and the fact that Maverick approached me to ask me for a date was surreal, kaya naman ilang beses kong pinisil ang aking sarili... Naramdaman ko naman ang sakit, kaya alam kong totoo ang lahat ng ito. Who would have thought though, that even a fat person like me with an ugly face will get the happiness that she never thought she deserved? Sino nga rin ba naman ako upang tanggihan si Maverick? Kasalukuyang sinusuklay ngayon ni Yaya Teresa ang aking buhok, at halata namang nagtataka na ito kung bakit kanina pa ako nakangiti. “Mukhang masaya ka, Keana.” Ngumiti ang matanda sa akin. She is like a real grandmother to me already, as she was also the one who raised me as my parents and family are busy with our businesses. Kaya naman malapit na ang loob ko sa kaniya. She is one of the few persons I trust too... At siya lang din ang nakakakilala talaga sa akin. To be honest, mas malapit pa ang loob ko sa kaniya kaysa sa aking ama na abala rin sa mga negosyo namin. On the other hand, my mother is in Hawaii, kaya naman hindi rin masyado malapit ang loob ko sa kaniya. “Opo, Yaya.” Ngumiti ako sa sarili ko sa salamin, “niyaya kasi ako ni Maverick na maging date niya sa prom next week.” Nanlaki naman ang mga mata ni Yaya Teresa at saka siya ngumiti, “talaga ba? E di pupunta ka na sa prom?” Tumango naman ako at kita ko ang labis na pagkatuwa sa mukha ni Yaya, “sa wakas! Mabuti naman... Pakiramdam ko kasi ay nami-miss mo na ang hays iskul layp mo dahil lagi ka na lang hindi pumupunta sa mga ganap. Masaya ako para sa iyo, Keana.” “Salamat, Yaya.” I smiled. “O’sya... Gusto mo bang magtawag ako ng fashion designer na magsusukat ng iyong susuotin? Ipapa-rush na rin natin ang magiging gown mo. Ano ba ang theme ng prom?” “Hollywood theme, Yaya.” Sagot ko naman sa kaniya. “O’sya, sige, sige! Huwag kang mag-alala may kilala akong magaling na mananahi dito sa bayan. Tatawagin ko siya mamaya, at dahil Sabado bukas at wala kang klase ay papapuntahin ko siya rito upang sukatan ka, okay ba iyon?” I smiled and nodded, “yes, Yaya.” “Sige, sige...” Nang matapos na niya akong suklayin ay bigla niyang nilagay ang dalawang kamay niya sa magkabilang balikat ko at bahagya itong pinisil, “I told you so, basta may magandang kalooban ka, kahit gaano man kapangit ang tingin mo sa sarili mo—may makaka-appreciate pa rin sa iyo...” Pagkatapos ay nilagay niya sa tapat ng puso niya ang kaniyang kanang kamay, nakita ko iyon mula sa kaniyang repleksyon na pinapakita ng salamin. “Ang mahalaga kasi ay may busilak kang kalooban, at magandang puso.” Ngumiti ako. Kasabay nito ay narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Inabot naman sa akin ni Yaya iyon mula sa aking kama at ang tingnan ko ang notification ay nanlaki ang aking mga mata. Maverick Maximillio added you on f*******:. Agad kong binuksan ang aking cellphone upang i-accept ang kaniyang friend request. Hindi ako makapaniwala na in-add niya rin ako sa f*******:! Talagang totoo nga na inaya niya ako upang maging date niya. Pakiramdam ko ay lumilipad ako ngayon sa ere. I feel so happy! I never felt like this all my life. After accepting his friend request, biglang tumunog naman ang Messenger ko. I opened it, and saw that Maverick left a message for me. With shaky hands as I was overwhelmed with happiness and surprise, I clicked his chat and read his message. Maverick: What color are you going to wear for prom? So that I can match it with mine. :) Pinabasa ko ang mensahe ni Maverick sa aking Yaya, “para sa aking, ang bagay na kulay ng ballgown mo ay dark red. At saka hindi ba’t ito rin ang favorite color mo?” Tumango naman ako. “Sige, Yaya. Dark red na lang...” I typed dark red and sent it to Maverick. After that, he left a like emoji. Nanatili akong nakatambay ng ilang minuto sa aming chat box, nagbabaka sakaling may iba pa siyang sasabihin, but when I saw that he was already offline, I closed my phone. “Yaya, kailangan din ng make-up artist at saka hairstylist.” “Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala diyan.” Ngumiti si Yaya Teresa sa akin, “sisiguraduhin kong magmumukha kang diyosa sa prom ninyo!” “Thank you, Yaya.” I smiled at Yaya Teresa. She really is very supportive. It was also obvious how excited and happy she was for me. ~*~ A week later... Lumabas na ako sa mansion namin kung saan natanaw ko si Maverick na naghihintay para sa akin. He decided that he will come and fetch me. Magaganap ang prom sa isang hotel sa Kehanu Resort, my family owns and run it, gayon din naman sa school kung saan ako nag-aaral. “Let’s go?” He asked, he looked at me with this weird expression of his, kaya naman bigla tuloy akong na-conscious sa aking itsura. “You look nice,” Maverick said out of the blue after a few seconds of awkward silence, kaya naman napangiti ako. I was wearing a dark red ballgown, nakasuot din ako ng makeup which was a first time for me, and even my hair was styled to look curly. Naglakad na kami papunta sa kaniyang sasakyan, at bahagya akong natigilan nang makita ang kaniyang dala... A motorbike. “I cannot ride that...” I awkwardly said. Nanlaki naman ang mga mata ni Maverick, as if realizing that I would not fit there and that my ballgown will be ruined. “It is okay, you ride that. I’ll call my driver na lang para siya maghatid sa akin papunta sa resort kung saan magaganap ang prom.” Maverick awkwardly smiled and nodded, “sige.” He was wearing a dark-red tuxedo too and his slightly disheveled hair made him look so good. “Mauna na ako, hintayin na lang kita sa entrance ng hotel?” I nodded. I watched Maverick ride his motorbike, at saka siya umalis na nang tuluyan. Pinagbuksan pa siya ng guwardiya namin ng tarangkahan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD