Ow 3rd Person Point of View Tiningnan ni Maverick ang mga delicacies na naka-display sa kanilang tindahan. Siya na ngayon ang manager sa negosyo ng kaniyang pamilya na patok na patok sa lalawigan ng Ilocos Sur, ito ay ang Maverick Delicacies. Maraming mga turista ang bumibili palagi sa kanilang mga produktong bibingka, kornik, keyk, at iba pa na mga kakanin. Nagkaroon na rin ng maraming branches ang negosyo nila. Karaniwang ginagawa ni Maverick ang inspection para tingnan ang kanilang mga tinitinda. Gusto niya ay perpekto lahat at walang palyado, kaya naman niya ginagawa ito araw-araw. Sa katotohanan, dahil kay Maverick ay mas umusbong ang negosyo ng kaniyang pamilya. Marami rin siyang recipe na ginawa at mga produktong nilikha na naging patok sa lahat at hinahanap-hanap ng iba. Sobran