NOOO “Maverick, kalat ang balita ngayon. Mukhang in-love pala sa iyo ang anak ng mayor dito sa bayan natin.” Tumatawa ang isang kaibigan ni Maverick Maximillio habang kinukuwento nito ang chismis na siyang usapan ngayon sa kanilang paaralan. Nakita kasi ng isang kamag-aral nila ang laman ng locker ni Keana Kares Kehanu kung saan may nakapaskil na litrato ng mukha ni Maverick dito. Nakalimutan kasing isara ni Keana ang kaniyang locker dahil nagmamadali ito para sa isang klase, kaya namang naiwan nang nakabukas ito dahilan upang makita ng isang estudyanteng dumadaan ang loob nito. “Sino ulit iyon?” Kumunot ang noo ni Maverick habang nakatingin sa kaniyang kaibigan na si Alastor. “Ang anak ng mayor, si Keana. Hindi mo ba kilala?” “Ah, the fat girl with many pimples on the face?” Bigla na