Chapter 12
❂• 3rd POV •❂
“Mahal na hari, ano ang plano?”
“Hangga’t hindi ko alam ang intensyon ni Zendaya, hindi ko alam kung paano kikilos. Hindi ko inakala na buhay pa pala siya.” Hinilot niya ang sentido ng kaniyang ilong.
Tinaas ni Scholar Jung ang kaniyang kamay na tila may suhestiyon. “What is it, Scholar Jung?” The king asked.
“Ako ang nagpalaki at nagturo kay Zendaya. Alam ko kung ano ang tumatakbo sa kaniyang isip ngayon.” Aniya, “sa mga lumipas na buwan, sigurado akong nagtipon siya ng mga malalakas na salamangkero upang ipaglaban ang kaniyang layunin. The last few months were her preparation, and now that she has finally revealed herself, it means she is ready.”
Tumawa lang ang hari, “ano ang magagawa niya sa Court Mages ko?!” Aniya at tumingin siya sa sampung mga magong nasa silid. Ngumiti naman si Reevus at yumuko bilang pagpapakita ng pagpapasalamat.
“Alam kong malakas ang Court Mages, King Mateo.” Saad ni Scholar Jung, “ngunit hindi natin alam kung gaano kalakas ang puwersa ni Zendaya. Hangga’t wala tayong alam, dapat ay manatiling nakataas ang ating alerto.”
“Hindi pa rin tayong nakakasiguradong lahat kung totoo ngang buhay si Zendaya.” Biglang saad ni Pope Mateo, “hindi ako maniniwalang buhay siya hangga’t hindi siya nakikita mismo ng aking mga mata. Baka may impostor lamang na nagpapanggap na siya.” Kumuyom ang kaniyang kamay, “ako mismo ang nagsunog sa kaniyang katawan. Alam kong katawan niya ang sinunog ko. Hindi maaaring buhay pa siya.”
“Mahal na hari, bakit parang takot na takot kayo kay Zendaya? Ano ba ang kaniyang kapangyarihan?” Tanong ni Reevus.
Isa lamang si Pope Mateo ang nakakaalam sa katotohanan at sa kadumihan ng kaniyang simbahan. He, along with the other powerful people of the Church, has distorted and manufactured the truth to work their way. The Church has made a lot of schemes and altered a lot of stories, starting from the fact behind magical creatures, and to the rise of cursed magics. Alam ni Pope Mateo na hindi totoong mayroong mahikang sinumpa. Gawa-gawa lang nila ito dahil sa takot sa potensyal ng mga mahikang ito. Ang pinakanakakatakot ay ang mahika ni Zendaya. Ang kapangyarihang lumikha, at sumira.
Dahil ilang beses nang muntik na masira ang kaharian dahil sa mga ninuno ni Zendaya na nawalan ng kontrol sa kanilang mahika ay tumaas ang simbahan na siyang nagbigay ng pag-asa sa mga taong bumangon muli sa mga panahong iyon. Upang hindi na maulit pa ang kasaysayan, ay napagdesisyunan ng mga naunang henerasyon ng mga papo na itago ang tunay na kasaysayan at binago ito, at pagkatapos ay gumawa ng mga batas sa pamamagitan ng Sacred Scripture.
“Creation magic.” Sagot ni Pope Mateo matapos ang ilang minuto ng katahimikan, halata naman ang gulat sa mukha ng sampung salamangkero nang marinig iyon.
“T-That’s... I thought it was only a legend.” Reevus gasped. “A gift from God that can turn your fantasies into reality.”
“From God?” Tumaas ang kilay ni Doctor Helen. “King Mateo, please enlighten my sinful spirit, but I thought you said before that Zendaya is a spawn of the devil, the resurrection of Lucifer, of evil and bad things, how can someone as lowly and wicked as her be given a gift from God?” Ngumisi ito nang sandaling natahimik ang hari.
“It’s only a legend, Helen! Masyado kang nagpapauto sa mga kathang-isip?” Sumbat ni Pope Mateo. Halata na ang inis niya sa matandang babae na tila kanina pa siyang tinitira. Tahimik lang naman ang babaeng ito sa mga nakalipas na buwan, ngunit tila nagkaroon ng lakas ng loob nang malamang buhay si Zendaya.
“Ano ngayon ang plano, mahal na hari?” Tanong ni Scholar Jung.
Tumingin si Pope Mateo kay General Marcos, “dispatch some of the Holy Knights and Royal Knights to every city and towns of the kingdom. Maghihigpit din tayo ng seguridad sa palasyo... At panigurado ay muling lalakas ang loob ng mga dukha at pulubi kapag malaman nilang buhay si Zendaya, kung may makita man ang mga kabalyero na mga nagpoprotesta ay agad na kitilin ang buhay. Ipakita sa tao kung sino ang dapat nilang katakutan.”
“Your wish is my command, Your Majesty.” Sagot ni General Marcos.
Pagkatapos ay tumingin ang hari kay Scholar Jung, “send a scout to go and investigate the island that she resides in. The Nightingale Island, or whatever it is called.”
“Noted, Your Majesty.” Ngumiti si Scholar Jung.
Pagkatapos ay tumingin ang hari kay Doctor Helen, “manahimik ka na lang.” Aniya.
Tumango si Doctor Helen na tila nang-iinis. Isa lamang siya sa mga natitirang matapat sa mga dating pinuno ng kaharian. Tatlong henerasyon ng mga Nightingale ang kaniyang pinagsilbihan, at nang makita niya si Zendaya at kung ano ang kaya niyang gawin ay agad niyang hinangaan ito. Naniwala rin si Doctor Helen na babaguhin ni Zendaya ang kaharian, simula pa lang nang sabihin nito ang mga plano nitong pagbabago. Alam agad niyang magkakaroon siya ng maraming kalaban at hindi magiging madali ito, ngunit handa siyang pagsilbihan ito gaya ng ginawa niya sa mga naunang henerasyon. Ngunit biglang nagbago ang ihip ng hangin.
Hindi rin niya magawang umalis sa Grand Council dahil kailangan pa rin niya ang impluwensiya at kapangyarihang naibibigay ng titulong ito upang magkaroon pa rin ng boses sa kung ano ang nangyayari sa Nephyria. Ngunit hindi na niya kaya pa ang nangyayari. Masyado nang naging baluktot at madilim ang hinaharap ng kaharian, lalo sa kamay ng kasalukuyang hari na walang alam kundi ang gamitin ang pangalan ng Diyos sa lahat ng bagay.
“I have heard something interesting, King Mateo.” Biglang sabi ni Scholar Jung na tila may naalala.
“Ano iyon, Scholar Jung?”
Chapter 76
❂• 3rd POV •❂
“The ones who are with Zendaya... It is said that they are called the Night Court, they were last seen at Encora City, perhaps three months ago. The destruction that happened there perhaps was Zendaya’s doing too. Anyway, going back, it has been reported to me that the people who work for her have a nightingale insignia pinned on their clothes.”
Tumango lang ang hari.
“And it seems like her supporters in the kingdom who are mostly the poor people who know of the nightingale emblem are also creating makeshift nightingale symbols to support her.”
“I will not dare anyone who supports her to live. Kill whoever defies me as they also defy God himself.”
Tumango lang si Scholar Jung at General Marcos. Si Doctor Helen naman ay kumunot lang ang noo.
“What else do you know, Scholar Jung?” Tanong ng hari.
“There is also a news scattering around the kingdom that Nightingale Empire, the island that Marshall built in collaboration with Zendaya, is accepting refugees, poor people, and those who needs help so that they can live a new life there. It is for that reason why he rebuilt the island that his family owns.”
Palihim na ngumiti si Doctor Helen dahil sa narinig.
Tumaas ang puting kilay ni Pope Mateo at tumingin kay General Marcos, “have you inspected his estate already at the Royal Capital?”
“Yes, Your Majesty. Wala na lahat ng arian niya roon pati ang lahat ng mga nagtatrabaho para sa kaniya. Mukhang nautakan din tayo ng lalakeng iyon at mukhang nasa isla na silang lahat. Hindi rin tayo puwedeng basta-basta sumugod doon lalo’t wala tayong impormasyon kung sino ang kakalabanin at kung gaano kalakas ang puwersa.”
Kumuyom ang kamao ng hari. He felt like the enemy is a few steps ahead of him already. He was frustrated with the bad news. He was at a disadvantage and whether he likes it or not, he has no choice but to accept it.
“Damn that woman.” Gigil na saad ng hari. “If it is true that she is alive, I will make her wish that she should have been dead from the start.” Pagkatapos ay tumingin siya sa kaniyang lupon, “you are all dismissed and may go now to fulfill your duties. As for the Court Mages, remain.”
Umalis agad sina Scholar Jung, General Marcos, at Doctor Helen sa silid nang sabihin iyon ng hari at pumaharap agad ang sampung mga salamangkero.
“What is it that you wish to talk to us about, Your Highness?” Reevus asked.
“Given our dire situation, I will give each one of you an army of holy knights to command. It shall be called as the Royal Army of God’s Elites, or RAGE... Each one of you will also be tasked to guard the cities under our kingdom. We will not let Zendaya, if she truly is alive, or that Night Court, or whatever it is called, to invade any of our lands.”
Tumango naman ang mga salamangkero.
“It is time for everyone of you to put yourselves to good use. Show me what you got.” Pope Mateo added.
“Noted, Your Majesty.” Reevus and the rest of the Court Mages replied.
Pope Mateo smiled confidently as he looked at each one of the magicians, then once again, he kissed the crucifix pendant that was hanging around his neck. It was his trump card.
“You are all dismissed.”
When everyone has gone, including the king’s speaker, King Mateo was the only one left in the throne room, from the shadows at one of the nearest pillars in the chamber, a figure of a man formed.
“Mateo.” Saad nito.
Tumayo mula sa trono si Pope Mateo nang marinig nito ang malamig na boses ng lalake at yumuko bilang pagpapakita ng respeto.
“You have done well.”
“It is all thanks to you that I am in power.” Ngumiti ang papo sa lalake. Siya ang nagsabi ng lahat patungkol sa tinatagong mahika ni Zendaya at lahat-lahat. Siya ang naging rason upang maging hari siya ng kahariang ito. “Totoo bang buhay talaga si Zendaya?”
“Yes.” The man replied with a dark chuckle, “I’ve been watching her grow.” He added, afterward, he played with the ring that he was holding. “She is growing well—my pet.”
Halatang naguluhan si Pope Mateo dahil sa sinabi ng lalake, ngunit mas napansin niya ang pamilyar na singsing na hawak nito ngayon.
“Ano iyan?” Tanong ni Pope Mateo. Nais na niyang makita ang mukha ng lalake, ngunit nabalot ito ng itim na usok na tila galing sa kapangyarihan ng lalake. Hindi niya alam kung bakit siya tinutulungan din ng lalakeng ito at wala pang hinihinging kapalit. Ngunit malaki ang utang na loob niya sa lalakeng ito.
“Something I took from someone—it’s hindering that person’s growth and potential. It’s like your pendant, but it has different characteristics and use.” He chuckled once more. “Ah, it’s fun to be working behind the curtains and pulling the strings. Everyone is like a puppet of this grand show.”
“Kailan mo sasabihin ang iyong pangalan o ipapakita ang iyong mukha?” Tanong ni Pope Mateo. Hindi na niya maiwasan pa ang pagtataka sa identidad ng lalake.
“It is better left unsaid,” the man replied—the pope stared closely to the man’s face and saw his glowing golden eyes, “and my face is better left unseen.”
“What should I do next?” Tanong ni Pope Mateo sa lalakeng tumutulong sa kaniya. Alam niyang makapangyarihang salamangkero ito. After all, he is the one behind everything that has happened. “Tell me, what should I do next?” He asked once again.
“Keep doing well.” The man replied, and just like that, he disappeared.