Sa loob ay mas marami ang tao. Siksikan pero hindi maluwag ang lugar. Para itong isang concert hall. Nagsasayawan, nagsisigawan at nagtatalunan ang mga tao. Sa kaliwa ay hilera ng mga naglalakihang sofa. Sa kanan naman ay bar counter na kayang i-accomodate ang lahat dahil sa laki. Naunang nagtungo sina Rusty sa may bar counter kaya sumunod kami nina Fatima. Pero hindi kami roon huminto. Sa gilid noon ay isang automatic glass door. May ilaw rin at mga usok pero mild lang. It's a fancy restuarant beside a hall with wild party-goers. Ibinagsak nina Rusty ang mga sarili sa isang malaki at puting sofa na nakapalibot sa circular wooden table. Sumunod ako dahil sa paghila ni Fatima. "Let's eat first," she announced. Dalawang waiters kaagad ang lumapit sa amin. Sina Rusty at Lexus ang kumausap sa