Ilang beses kong nasalubong si Fatima at maging si Lexus pero dahil sa social distancing ay hindi kami nakakapag-usap o nakakapagkumustahan man lang. The bruise on Lexus's face is still visible but it doesn't look painful now. Sa cafeteria ay may nakakasama naman siyang estudyante pero hindi na sina Rusty at Dexie. Si Fatima ay mag-isa sa malayong mesa na patingin-tingin lang. "She deserves it," bulong-bulong ni Leslie sa aking harapan. Tipid na lang akong ngumiti. Iyon ang huling lunch namin together. Napansin ko kase na hindi niya alam ang tungkol sa night street o kahit anong tugkol forest. Ayaw ko na may masabing maaaring makapagpahamak sa kanya. "I knew you'd be here." Sa gulat ay bumagsak ako sa flatform, ang bola ay gumulong patungo sa kanya anng masipa ko. Rafael's wide smile fa