Tatlong buwan na ang nakalipas, hindi na maitatago pa ang baby bump ni Eral, sinita na rin siya ni Manager Ris at Reina kung bakit daw lumalaki tyan niya, we can no longer hide it, the fact that she's pregnant with my kid. Sooner or later my parents will find out, sa magulang naman niya ay nasa Canada so we decided na mas maunang ipaalam na sa mga magulang ko na magkakaapo na sila, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila, hindi ko rin alam kung magagalit ba sila, walang kasiguraduhan, basta ang alam ko lang ay kailangan nilang malaman ito. "Ice, matagal pa ba si Flemeral?" Tanong ni Mama sa akin, hinihintay namin ang pagdating niya, nasa dining hall na kami, sinabi ko na dadating si Eral para sumabay sa dinner kaya naman marami na namang mga pagkain na nahanda. "Malapit na siy