Nang nasundan ko na ang kotse ni Aisaia ay mas lalong kumunot ang noo ko, ibang direksyon na ang tinutungo ng sasakyan nito, hindi na sa daan papuntang bahay ni Eral ang tinatakbo ng sasakyan, ihahatid pala niya si Eral ha? Mukhang alam ko na ang nahalo sa cold coffee na pinainom niya kay Eral, maybe sleeping powder, kaya agad na inantok kanina si Eral, damn, I should have taken her when I had the chance. Gabi na at madilim, nasa isang liblib na lugar na kami, sinara ko ang ilaw ng sasakyan ko para hindi mahalata ni Aisaia na may sumusunod sa kanya, matapos ang halos kalahating oras ay tumigil ang kotse ni Aisaia, pinagmasdan ko siya kung paano niya buhatin si Eral na hanggang ngayon ay tulog at saka naglakad papasok sa lumang gusali. Kumuyom ang kamao ko at agad na tinigil ang kotse ko