"Ano nacontact mo na?" natatarantang tanong ni Bea. Malapit nang magsimula ang event pero wala pa si Liam. Lahat ng empleyado ay nandito na maliban lang sa kanya. "He's not answering his phone," sagot ko habang patuloy na dina-dial ang numero n'ya. Marami ng tao at halos mapuno ang ang buong hall. Dito sa fourth floor ng isang exclusive na building na pagmamay-ari ng Cervantes ginanap ang event. Maraming mga pormal na tao at aakalain mo na may royal party dahil sa mga damit ng mga kababaihan. Iilang press lang ang pinayagang makapasok para hindi masyadong magkagulo. May iilan pa na sikat na artista akong nakita pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. Hindi ko alam kung ano ng nangyayari kay Liam. Kahapon lang ay depress s'ya sa pagkukwento n'ya sa akin. Baka mamaya ay kung napaano na s