"Come on, Pete. Alam kong hindi mo s'ya matitiis," sigaw ko habang pilit na inaagaw ang bola sa kanya. Sinubukan kong umikot. Makukuha ko na sana pero ng umirap s'ya ay nawala ako sa focus. Nakita ko na lang na naishoot na n'ya ang bola. He's still mad. "Pete, talk to her. Nagsisisi na s'ya." Nasa akin na ngayon ang bola at s'ya naman ang umaagaw pero hindi ako makapag focus sa bola dahil sa kanya ako nakatingin. Nang nakuha n'ya iyon ay mabilis kong binawi at nagshoot. Umiling s'ya nang makita iyon. "I'm not mad at her. I'm mad at you," prangka n'yang sinabi kaya natigilan ako sa paghabol sa bola. Nang bumaba ako kanina ay wala naman s'ya sa gym kaya alam ko ng basketball ang trip n'ya ngayon. Suot ko ang t-shirt n'ya sa orphanage at nakamaikli akong jersey. Kahit noon pa sa probinsy