"Phoebe wake up! Masyado nang tanghali!" I groaned before slowly opening my eyes. When I saw that it's just Joie, I closed my eyes again. "Phoebe!" "What?" I opened one of my eyes. "What day today?" "Sunday?" Tinakpan ko ang mukha ko ng kumot at tinalikuran s'ya. "Then why wake me up? Wala namang trabaho!" "Alam ko! Pero kaylangan mo ng bumangon dahil kaylangan mo na ring magkwento sa akin tungkol sa nangyari kagabi!" I looked up at her confused. Nang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi ay mabilis akong bumangon. Sandali akong ngumiwi sa biglaang pagsakit ng ulo ko. "Where's Austin?" Nagcross arms si Joie sa harapan ko at pinanliitan ako ng mata. "Huwag mong hanapin sa akin ang lalaking tinulugan mo kagabi." Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Wala namang ibang tao sa sala.