"Sir Austin, you have your meeting with the stockholders at exactly 9:00 AM, presentation of the expansion project with the board at 9:30 and an interview for the house charity—" "Cut the charity thing," he cut me off. Nagsalubong ang kilay ko at bahagyang tinagilid ang aking ulo. Nagtaas siya ng kilay at mas matanam akong pinanood. "The interview is only about—" "Just cancel it, Miss Albania," mas mariing utos n'ya. Tinikom ang bibig ko kahit sa totoo lang ay gusto ko siyang pilitin na pumayag sa interview'ng iyon. "Is that all?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya, nakadekwatro at nakahilig sa upuan. Kanina pa niya ako pinapanood. Gusto ko talagang sabihin ang tungkol sa charity pero hindi ko na pinilit. What do I expect? Noon naman ay pumapayag si Mr. Cervantes pero siya ay wal