"Mother, you need to rest now. It's already late." Tumango ako sa sinabi ni Peter. Ngunit umiling lang sa amin si Mother Liza. Si Mother Sophia na umaalalay sa kanya ay wala na ring nagawa. "Ano ba naman kayo? I just want to say my thank to your boyfriend, Phoebe!" ani Mother at lumapit kay Austin na nakatayo sa tabi ko. "Mother, he's not--" "It's my pleasure, Mother." She smiled at Austin. S'ya na rin ang lumapit kay Mother at hinayaan itong yakapin s'ya. "Take care of my daughter Phoebe, huh?" she whispered to him but enough for all of us here to hear. "Napakaraming pinaglalaban ng batang iyan sa buhay pero napakalambot naman ng puso." Ngumiwi ako sa sinabing iyon ni Mother. Si Ashley ay tahimik na nakatingin sa akin, nakataas ang kilay at nakacross ang arms sa harapan ng kanyang d