Mariin akong pumikit at huminga nang malalim habang balik-balik na naglakad. Halo-halo ang nararamdaman ko na hindi ko alam kung ano ang dapat kong unahin. Fine, I saw Austin doing dirty with his faked nerd secretary. Kung may namagitan man sa amin ni Austin ay malinaw na nilandi lamang n'ya ako at ako naman itong tanga, nagpalandi. Kaya bakit pa di ba? Bakit pa ako magpapaapekto ng ganito kung alam ko naman, na wala lamang sa kanya ang nararamdaman ng ibang tao. At tingin ko ay sa bagay na iyon kami nagkatulad. I don't care about other people. Kung sana ay nakinig ako sa mga sinabi nila at naniwala sa mga nakita ko, sana noon pa lamang ay naiwasan ko na si Austin. Pero hindi! Binalewala ko lahat iyon at nagpadala sa damdamin ko. Damdamin na hindi naman dapat sinusunod. Galit na galit