"What is this?!" sigaw ko habang tinitingnan ang mga stolen pictures namin ni Peter kahapon na nasa sink ng CR ng bar na ito. Hinila kami rito ni Nicole para raw pag usapan ito at huwag sasabihin kay Tim. "Isn't it obvious? Pictures 'yan ni Peter kasama ang nakatalikod na babae!" Umirap si Nicole sa akin mula sa reflection namin sa salamin. "What!? Dahil d'yan nagalit si Ashley? Can't you see? It's me!" Sabay turo ko sa mga pictures na kinuha kahapon sa labas ng Cervantes' Building at sa lobby ng hotel na tinutuluyan ni Peter. "Alam ko! Alam namin! Sinabi nga namin kay Ashley! Naniwala naman s'ya..." Kinuha n'ya ang napakaraming pictures sa sink at may kung anong hinanap. "But she saw this!" Namilog ang mga mata ko ng makita pa ang dalawang pictures. Sa loob na ito ng suite ni Peter