Mabilis kong sinundan si Austin. Angela is giggling in his arms. Mabibilis ang hakbang n'ya ngunit sinubukan kong sabayan s'ya. "You don't need to get inside." Austin stopped in front of Mother's room Angela pointed to him. Ibinaba n'ya si Angela na agad namang pumasok sa loob. Nagkibit-balikat sa akin si Austin. Akmang papasok sa loob kaya naman agad kong hinawakan ang kanyang braso.What is he doing? I just told him no. "Don't you dare go inside, Austin!" mariing sinabi ko nang muli s'yang humakbang papasok sa pinto. Dumungaw s'ya sa kamay kong mas dumiin sa kanyang braso bago nag-angat ng tingin sa akin, ang mga kilay ay salubong ngunit nakangisi. Bumuntong hininga ako at mariing pumikit. The determination in his eyes was evident. Dahan-dahan ko s'yang binitawan ngunit mas naging m