"Hindi ka pa nagkukwento! What about last night? I know something happened kaya pumunta rito si Austin!" Umirap ako kay Nicole. I ignored her by pressing repeatedly on the remote control for channels but I couldn't find one to distract us all. "Bakit ba hindi ka makasagot? Sabihin mo na kase sa amin na binasted mo s'ya kaya ka pinuntahan dito," si Ashley, na para bang ikatutuwa kung iyon nga ang dahilan. Pero syempre, hindi iyon ang dahilan. It's the other way around. Ako ang nabasted dahil sobrang sakit ng nararamdaman. Mabigat pa na wala akong mapagsabihan kahit isa sa kanila. Kagabi nang nakita ko si Austin dito ay totoong biglang nawala ang nararamdaman ko. Pero dahil pumasok pa s'ya sa kwarto ay mas lalo lamang lumala. Ano namang arte n'ya di ba? "And why you have to give him my