Nilagay ko ang bag ko sa sofa at lumapit kay Ashley. Nagkalat ang ilang colored paper at ilang pictures sa harapan n'ya. I'm about to get one of the picture but she slapped my hands hard. "Aray naman!" sigaw ko. "Oh! Huwag mong pakialaman. Kanina pa iyan badtrip," sabi ni Nicole nakatingin pa rin sa tv at hawak ang remote. "Ano ba kase 'yan? Parang highschool lang a." biro ni Joie ng lumabas s'ya mula sa kusina, glass of water on his hand. Binigyan s'ya nang masamang tingin ni Ashley. Ngumiwi kaming dalawa ni Joie. "Para saan ba kase 'yan?" tanong niya, umupo na rin sa harapan ni Ashley. "Third-year anniversary nila ni Peter sa Friday," si Nicole ang sumagot. Pinatay n'ya ang TV at lumapit sa amin. Pinag-ekis ko ang braso ko at nagtaas ng kilay. And now I remember. Iyon ang dahilan ku