Nang sinabi ko kay Liam at Bea ang tungkol doon ay parehas silang hindi makapaniwala. Ako man, ay hindi pa rin makapaniwala sa ngayon. Iniisip ko na nagbibiro lamang si Sir Austin at mamaya ay ipapatawag niya ako para sabihing nagbibiro lamang siya. Pero lunch break na ay hindi niya pa rin ako pinapatawag. But then, bakit nga ba siya magbibiro? I just don't get his reasons. "Something's really wrong with him," seryosong puna ni Liam, pinaglalaruan ng hawak na kutsara ang kanyang pagkain. Tingin ko ay iniisip noya pa rin ang tungkol kay Fatima. "Baka naman hindi niya lang talaga nagugustuhan ang trabaho ng mga babaeng iyon." Tiningnan nang masama ni Liam si Bea. Magkatabi sila ngayon at umirap lamang sa kanya si Bea. "Fatima's excellent with any of her works. Hindi ko lang talaga ala