"Tito, nand'yan po pala kayo," si Derek nang makipagkamay kay Mr. Cervantes. I just came back for my bag. Wala na akong balak pang abalahin ang mag-ama pero bigla namang dumating si Derek. And now, standing near the door, hindi ko tuloy malaman kung anong dapat gawin. Sulyap lang ang tanging nagawa ko sa bag ko. Ni hindi ko iyon malapitan dahil sa tatlong pares ng mga matang pabalik-balik na nakatingin sa akin. Balik-balik din ang tingin ni Derek sa aming tatlo. Matapos s'yang batiin pabalik ni Mr. Cervantes ay naging tahimik na ang buong silid. Mas lalo lamang tuloy naging awkward. Eventually, Mr. Cervantes cleared his throat. "I have to go. Austin, please, consider my words." Hawak ang aking mga kamay ay nanatili akong nakayuko. Tipid akong ngumiti kay Mr. Cervantes ng nakalapit sa a