Kabanata 11 As soon as the papers were arranged, naging akin na rin sa wakas ang lupain ng mga Kimorra, sa sumunod na araw ay nagsimula agad ang construction ng mall, dalawang linggo ang nakalipas at napagdesisyunan kong bumisita sa Alta Rio para matignan kung may progreso bang nangyayari sa pagpapatayo ng mall at para na rin makilala ang mga in charge. "Sir Cloud, it's nice to meet you in person, ako nga po pala si Architect Biares, kinausap ako ni Sir Hernandes, nasa akin ang edited blueprints ng mall kung gusto niyo ng kopya." Saad ng lalakeng lumapit sa akin. "I'm just checking to see the progress." Sagot ko naman sa kanya at saka ko inayos ang salamin ko, "it's going great." Saad ko sabay tingin sa construction site, "mabilis maghukay ang mga probinsyanong manggagawa." "