Hinawakan ko ang batok ko at dahan dahan hinilot 'to. Inikot ko ang leeg ko at huminga ng malalim. Gusto kong matulog pero di ako makatulog kaya nag pasya nalang ako ng mag basa ng mag basa pero hindi parin ako makatulog. Tumayo ako at pumunta ng cabinet, napangiti ako ng makita ko ang isang box na itim. Kinuha ko 'yun at pumunta ako sa study table ko. Binuksan ko ang bintana sa harapan ko at saka ko binuksan ang box. Hindi ko maiwasan mapangiti habang pinag mamasdan ang isang letter R na pendant nito. Sobrang kapal ng kwintas nito at halatang pang lalake talaga. Sa loob labing apat na taon 'tong nakatago sakin. Hindi ko inisip na ibenta o itapon sa sobrang galit kay Raj, hindi ko inisip na itapon ang isang bagay na kumokonekta saming dalawa. Hinalikan ko ang silver na kwintas at saka