Inikot ko ang buong mata ko sa loob ng canteen upang hanapin ang babaeng 'yon. Nang dahil sa kanya ay hindi ako makatulog ng maayos, isang araw ko lang s'ya hindi nakita pero parang miss na miss ko na s'ya. Hindi ako makapaniwala sa nararamdaman ko. Para akong tangang nakangiti dahil lang sa kanya. Nasa isang upuan sya habang kasama ang kaibigan n'yang si Jeyd. She's eating adobong baboy. Baboy, lalo syang tumataba. Naiiling ako habang nakangiti. "Sino ang sinisilayan natin d'yan?" Mabilis akong napatingin kay Davin na nakangisi. Tinuro ko si Sai na kumakain habang nakikipag usap sa kaibigan n'ya, kasama yung Jeyd at buti nalang ay walang ang dalawang lalakeng 'yon. Masasabi mong mataba si Sai pero bawing bawi naman ito sa kagandahan. Makinis ito at wala kang masasabi. Maraming nag m