"HAPPY FIRST BIRTHDAY REGAN/REN REN!" Nag tinginan kami ni Rhaine at mabilis na umirap sa isa't isa. Binuhat ko ang anak ko at tinayo sya sa kama at hawak hawak naman ni Rhaine ang isang malaking cake. Nilapit ni Rhaine ang cake kay Ren Ren. "AY!" Natawa ng mahina si Raj dahil sa pag sampal ni Ren Ren sa cake at nasira ito. Natawa din sila Mrs. Smith dahil sa ginawa ni Ren Ren habang si Rhaine naman ay nakabusangot. "REGAN NAMAN E!" Humagikgik lang si Ren Ren at sinubo nya ang kamay n'ya ng puro cake. "Raj, yung wipes." Mabilis tumayo si Raj sa kama at kinuha ang wipes. Natatawang pinunasan ni Raj ang kamay ng anak n'ya habang si Rhaine naman ay nakabusangot. Paano hindi bubusangot? Gawa n'ya yung cake na 'yon at halos isang linggo na sya nag practice para lang matutong mag bake. K