Eto nanaman tayo sa dulo. Salamat sa pag suporta. ~ Nanginginig ang buong katawan ko habang nakatingin sa lalakeng nang iwan sa aking ina noong pinag bubuntis ako nito. Tuloy tuloy ang pag buhos ng aking luha habang nalauhod sya sa harapan ko para huminga ng tawad. Galit ako sa lalakeng nasa harapan ko, bawat tanong ko sa aking Ina, sino ba papa ko? Bakit wala akong papa? Ang mga mata ni Mama noon, sa bawat tanong na hindi masagot, ang mga sakit na pilit nyang tinatago sakin wag lang ako mag aalala. Pilit akong nag tatanong pero wala akong masagot, hanggang si Tita na mismo ang nag kwento sakin. Kung anong ginawa n'ya, pag katapos nyang nalaman na buntis ang mama ko ay umalis sya. Iniwan nya kami at hindi binalikan. Kinuha nya ang kamay ko, pareho kaming umiiyak. "H-Hindi totoo 'to." t