Ang huli kong naalala ay nasa CR ako habang umiiyak pero nang magising ako ay nasa kama na ko. Katabi ko si Raj habang natutulog sa tabi ko at nasa dibdib naman nya si Ren. Dahan dahan akong bumangon at saka kumuha ng isang unan at hinanap ang aking cellphone, lumabas ako ng kwarto at pumasok ako isang guestroom. Binagsak ko ang katawan ko sa kama na nandon at saka muli tumulo ang luha ko. Hindi sya nakauwi ng maaga dahil kasama nya si Marinella, dahil mag kasama silang buong gabi. Mabilis kong tinawagan si Mama ay hindi pinansin ang oras kung madaling araw na. Nakailang tawag ako bago sya sumagot. "Ano ba! Istorbo ka sa pag tulog ah!" napangiti ako ng mapait at tinakpan ang aking bibig upang pigilan ang pag tulo ng luha ko. "M-Mama." "Ano? Ano nang yare?" nag aalalang tanong nito. "Um