Nang matapos kaming mag dinner na dalawa ay binili namin ang pinabili ko. Pumunta kami ng Green wich para lang bumili ng pizza at sa super market para lang bumili ng pinya, pumunta din kami ng red ribbon para lang bumili ng chocolate cake para sa anak ko. Nang matapos naming mabili ang lahat ng gusto namin ay nag pasya na kaming umuwi ng dalawa. Hawak kamay kaming pumapasok na dalawa at sinalubong kami ni Mommy Kyla. Humalik agad kaming pareho sa pisnge nito at pumunta kami kay Daddy Rj at nag mano ako. "My my!" Napatingin ako kay Ren Ren na kumakain ng cookies, mabilis ko itong dinaluhan at hinalikan sa labi. Binitawan nya ang hawak nya at mabilis na sumama sakin na kinatawa ko. Hinalikan ko sya sa pisnge at inamoy amoy. "Baho!" natatawang sabi ko. "Ako mabango." sabay lapit sakin n