Kabanata 17 "Elunar..." Nakatulala lang si Elunar sa puting pader habang tinatawag ko ang pangalan niya, hindi siya kumikibo, tumulo na naman ng luha sa kanang mata niya. Hinawakan ko ang kamay niyang nanlalamig, "you have to eat..." Tanging iling ang sinagot niya sa akin, naramdaman ko ang pagkirot ng dibdib ko. Simula nang nalaman niya na wala na si Thunderess ay naging ganito siya, hindi ko siya masisisi... hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang nangyari sa anak namin. Ni hindi ko man lang nasilayan ang paglaki niya, ni hindi ko man lang nalaman kung babae siya o lalaki, hindi ko man lang mapapalaki ang magiging anak namin, hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na maging ama. Masakit sa puso ang mawalan ng anak, kahit na hindi ko pa man nakikita ang buhay