Kabanata 3
After the tour, naghapunan kami sa malaking patio ng hardin ng old mansion, sakto kasing lunch time na nang natapos kami, so far this is the best tour guide I gave, imagine yourself sitting down on top of a horse with a sexy angel in front of you where your manhood can grind to. Wow!
Iyon nga lang sumasakit na ang puson ko. Hindi pa kasi lumalabas...
"So, how was the ranch?" Pagsimula ni Papa habang kumakain kami matapos magpakilala ang dalawang dalagang sina Elunar at Eclips, since hindi naabutan ng mga magulang ko kanina ang dalawa dahil umalis kami bago pa man sila bumaba.
Ngumiti si Eclips, "ang lawak po, maganda pa at halatang alagang alaga!" Huwag kang mag-alala, papalawakin ko ang kagandahan sa gitna ng hita ni Elunar gamit ang alaga ko.
Tumikhim lang si Elunar, "I agree." It is good to know we are on the same page.
Ngumisi lang ako habang abala sa mga pagkain at pagpapantasya, mabuti at nakaupo kami saka meron ang table cloth na nakatakip sa gitna ng hita ko, ramdam ko pa rin ngayon na tumitigas, paano ba naman kasi ay nasa harap ko mismo si Elunar at kita ko ang hati sa dibdib niya...
"Is my son a good tour guide?" Biglang singit ni Mama, napatingin ang dalawang dalawang dalaga sa kanya.
"Of course! Pinitasan pa niya kami ng mangga, ang sarap po pala ng apple mangoes ninyo. Kakaiba pa iyong kulay, may purple mango pala?" Manghang sabi ni Eclips.
Elunar rolled her eyes, "malibog po ang hijo niyo."
Suminghap si Tito Heraya na halos mabulol na sa kinakaing gulay at tumingin sa akin na parang humihingi ng pasensya, si Mama naman ay tumawa ng malakas, "aba maganda iyan, hija! Mana sa amin!" Patango tango pang sagot ni Mama, napaawang labi na lang si Elunar na parang hindi makapaniwala sa inasta ng mga magulang ko.
Binaling niya ang kanyang mga mata sa akin saka ako sinamaan ng tingin, tumaas lamang ang sulok ng itaas ng labi ko.
"Paumanhin, hijo." Nagbuntong hininga si Tito Heraya.
"Nah, ayos lang, Tito." Nakangising sagot ko saka tinignan muli si Elunar, "bukod sa malibog, ano pa ang masasabi mo?"
Nabulol si Papa at saka siya uminom ng tubig, tumawa naman ng malakas si Eclips.
"Grabe ka sis, paanong naging malibog si Thunder?" Lumabi si Eclips, "baka ikaw ang nalilibugan sa kanya? Aba, sayang saya ka pa na parehas kayong nakasakay sa isang kabayo, halata sa mukha!"
Humigpit ang hawak ni Elunar sa kutsara at tinidor sa kanyang kamay, "hindi ako nasisiyahan!" Naisip ko na sana ang pagkalalake ko na lang ang mahigpit niyang hinahawakan, damn! Bigla akong pinagpawisan, f**k! Ang init pala kahit na naka open air kami?
"Pero gustong gusto mo, aminin." Pang-aasar ni Eclips.
"Shut up, Ate." Nagsalubong ang kilay niya saka siya uminom ng tubig, mukhang tapos na siyang kumain.
Matapos naming kumain lahat ay nagkwentuhan muna sina Tito Heraya at mga magulang ko, sa kwentuhan ay marami akong nalaman sa nakaraan nila, nalaman kong babaero pala si Papa at adventurous, si Tito Heraya naman ay ang matalik na kaibigan ni Mama.
Matapos iyon ay nagpaalam na sila at uuwi na raw sila sa Mirasol, ang kasunod na bayan ng Villanueva at bayan bago ang Nerolan.
"Asan nga pala si Tornado?" Kinakabahang tanong ko nang napansin kong wala siya, hindi ba niya nabasa ang message ko?
Ngumiti si Papa, "nagpaalam siya kanina at sinabing maghahapunan siya sa bahay ng nobya niya, unbelievable, right? Sa wakas nasa relasyon na siya, ipagdasal natin na ang babaeng iyon ang maging lunas ng Sadistic Personality Disorder niya."
Nagkibit balikat lang ako, so it means he got home and he read my message? I mentally sighed. He probably arrived home while I was busy touring two fuckable angels. It is also good that my parents did not notice that Tornado didn't sleep here.
"Sino ang babae?" Kunot noong tanong ko.
"Reina?" Nagkibit balikat si Mama, "hindi ako sigurado e, Reyna ba or Arena? Baka Araneta? Uhm, Regina? Ah, natatandaan ko na, Retuta!"
"Reina." Umiling na lang si Papa, "you are always bad with names." Sermon niya kay Mama.
Tumawa na lang siya, ako naman ay nagpaalam na at may aasikasuhin pa akong gusto nang kumawala. Nang nasa kwarto na ako ay agad kong binuksan ang phone ko at tinignan ng contacts na puro lang naman mga babaeng hindi ko pa kinama pero gustong ikama ko sila, who among these woman should I bed and add to my bedded list?
I closed my eyes and did a random picking to whoever my finger points at. Napaisip agad ako, maybe I should have taken Elunar or Eclips' number. Tsk.
~*~
Sabay kaming umalis sa ranch ni Tornado at tulad ng dati ay napayuhan ako na bantayan siya sa bar, isang linggo na rin ang nakalipas nang huli kong nakita ang nakakalibog na kagandahan ni Elunar.
Dumiretso muna si Tornado sa Zeraphine Subdivision at susunduin raw niya ang kanyang nobya, ako naman ay tumigil na sa Legacy Bar ng Algaya at hinintay ang pagdating niya sa labas, sinamahan ko muna ang mga bouncers at nakipag-usap.
Nang dumating na sila ay pumasok agad kami, napatingin ako kay Reina... morena, chinita, maamo ang mukha, may maumbok na dibdib. Exactly as my brother's type.
Mukhang nakita niya akong nakanakaw ng tingin kay Reina kaya sinimangutan niya ako, natawa na lang ako. As if I would f**k his girlfriend, hindi ako ganong klaseng kapatid. I know who to f**k and who I should not.
Binaling ko ang tingin ko sa paligid mula sa kapatid ko nang nasa hagdan na kami ng bar, maingay ang paligid at mausok, may mga sumasayaw at nag-i-strip tease na mga babae at lalake sa mini-stage, nilibot ng tingin ko ang paligid at parang may nakita akong babaeng pamilyar sa gilid na pinapalibutan ng apat na lalake.
Tumama ang disco light sa mukha ng babae at kahit man na isang segundo lang iyon ay naaninag ko agad ang mukha ni Elunar, I think she is in trouble.
Binaling ko ang tingin ko kay Tornado at nagpaalam ngunit mukhang hindi niya ako narinig dahil sa lakas ng musika kaya naman umalis na lang ako, nakipagsiksikan ako mga sumasayaw bago pa man ako nakarating sa gilid ng bar.
"Mga adik, pwe! I hate drugs! Layas!" Masungit na sigaw ni Elunar sa mga lalaki ngunit pinagtawanan lang siya.
"Sumama ka na lang sa amin, Miss Beautiful. Magugustuhan mo kami at masasarapan ka pa." Sabi ng isang lalakeng kalbo na may tattoo sa ulo, bigla kong naalala yong The Last Airbender, kahawig niya.
Kumuyom ang kamao ko, mukhang hindi nila ako napansin na nasa gilid lang nila.
"Pwe! Mahiya ka sa sinasabi mo sa akin, Saitama na may tattoo sa ulo!" Galit na sigaw ni Elunar, "humanap kayo ng papatol sa inyong apat, pwe! Kadiri! Mahiya kayo! Ang babaho ninyo! Ang papangit niyo pa!"
"Ang talas ng dila mo, gaga!" Sigaw nong lalakeng kalbo at sumang-ayon ang tatlong kasama niya. Lumapit sila at hinawakan sa braso si Elunar na halata ang takot sa mukha ngunit hindi pinakita.
"Ew, germs! Bitiwan niyo ako, mga gunggong!"
Parang kumulo ang dugo ko at walang sabing sumugod, sinuntok ko ang lalakeng kalbo at napahiga siya sa malamig na sahig, natigil ang mga sumasayaw nang napansing may awayan at agad na humarap sa amin para manood.
Tumingin ng masama ang apat na lalake sa akin, "Elunar, come to my side." Utos ko sa kanya, nanginginig siyang tumango saka lumapit, tinago ko siya sa aking likuran at hinawakan ko ang nanlalamig niyang kamay. "Binastos ka nila, hindi ba?"
Tumango siya. Mas lalong kumulo ang dugo ko at sinamaan ko ng tingin ang apat na lalaki.
"Do you want me to take revenge?"
She nodded.
I smirked, "ano ang bayad ng pagtatanggol ko sa iyo? Come on, give me one price that will motivate me."
Lumunok siya, "k-kahit anong gusto mo, pabagsakin mo lang sila lalo na si Saitama!" Sabay turo sa lalakeng kalbo na sinuntok ko kanina.
Ngumisi ako, "walang bawian." Bulong ko sa kanya at agad na sumugod sa apat na lalake, pinalibutan nila ako. Nag-boo naman ang mga nanonood at sinabing dapat one on one.
"Ngali ngang binganga ngo, ngoy." Sabi ng bungi.
"Ang sabi niya mali ang binangga mo, boy." Sabi ng kasama niyang nangingitim naman ang mga ngipin, kahit na malayo ay naamoy ko pa rin ang nakakamatay na hininga niya.
"Pagbabayaran mo ang pagsuntok mo sa akin!" Galit namang sigaw ng kalbo.
"Papatayin ka namin!" Sigaw ng ikaapat na lalakeng isang ubo na lang sa sobrang payat.
Ngumisi ako, "bibigyan ko kayo ng dalawang option, bibilang ako ng tatlo at tatakbo kayo o itutuloy natin ang suntukan."
"Gago, dapat lang na ituloy!" Sigaw ng kalbo at agad silang sumugod, akmang susuntukin ako ng kalbo ngunit umigtad ako, agad kong hinablot ang kalbong ulo niya na parang bola at hinampas sa sahig. One down.
Tumingin ako sa isa at saktong iyon ay nasuntok ang labi ko, ramdam ko ang pagputok nito. Sumimangot ako sa lalaking walang ngipin na sumuntok sa akin, "you can punch me anywhere, just not with my two heads, up and down."
Halata ang takot sa mukha niya nang sinamaan ko siya ng tingin at walang sabing gumanti rin ng suntok sa kanyang labi, ramdam ko pang pumasok ang kamay ko sa bunganga niya at walang sabit, s**t! Kailangan ko ng maraming alcohol mamaya! Kadiri! Anyways, two down.
Napatingin ako sa dalawang natira, si black teeth man at isang ubo na lang man.
Walang sabi akong sumugod at sinuntok silang dalawa sa kanilang sikmura bago pa man sila maka-react at ganti, that's four men down.
Done.
Agad na dumating ang mga bouncers at hinila palabas ang walang malay na mga katawan ng apat na lalaki, bumalik naman sa pagsayaw ang mga nanood at pag-inuman.
Lumapit si Elunar sa akin at halata ang pag-aalala sa kanyang mukha, "putok ang labi mo!"
I shrugged, "ayos lang."
Hinawakan niya ang gilid ng labi ko at napangiwi naman ako sa sakit, "we need to put ice there."
"Call my cousin Ice, then." Nagawa ko pang magbiro.
"Wala pa bang masakit sa iyo bukod sa labi mo?" Nag-aalalang tanong niya habang nakatitig sa putok ng labi ko.
"Meron."
Suminghap siya, "saan?"
Kinuha ko ang kamay niya at giniya ito patungo sa gitna ng hita ko, "dito, sasakit at sasakit siya kapag hindi pa pinutok."
Nanlaki ang kanyang mga mata, "manyak!"
"Oo, itong manyak na ito ang nagligtas sa iyo, sinagot ko lang naman kasi ang tanong mo kung ano pa ang masakit, nagsabi lang ng totoo. Anyways, we had a deal. So you would do anything I want, huh?"
"Isa lang! Hindi ko gagawin kapag malaswa!" Namumulang saad niya, "I am a woman of my words." Proud na sambit niya.
"As you can see, hindi naman kita pipilitin na ikama o gumawa ng hindi kanais nais, hindi man halata ay may respeto pa rin ako sa iyo bilang babae, bilang Elunar Falacia. Hindi ako namimilit kahit sa totoo lang sabik na sabik na akong makatalik ka. Hindi lang naman ikaw ang nag-iisang babae sa mundo at hindi naman ako mamamatay kapag hindi ka natikman o naikama, mas marami pang mas maganda at mas sexy sa iyo dyan sa tabi."
"So what? Edi doon ka sa kanila!"
Ngumisi lang ako. "Anyways, isa lang naman ang gusto ko at madali lang."
"Ano?"
"Spend the rest of the night with me."
***