Kabanata 7 "Dad... Mom..." "Oh, Thunder. Bakit ang singkit ng mata mo? Did you cry? Naku, wala akong pinalaking iyaking bata, leche ka!" Bungad ni Mama sa akin. Nang makita niya ang kasama kong babae sa likuran ko ay nanlaki ang kanyang mata, "Elunar, is it?" Lumingon ako kay Eclips na halata ang irita dahil sa napagkamalan siyang si Elunar, pumeke siya ng ngiti kay Mama, "Eclips po." May halong diing saad nito. "Oh, Eclips. Ano ang ginagawa mo dito? Kumusta si Heraya?" Tanong ni Papa. Ngumiti si Eclips, "magpapakasal po kami ni Thunder." Deklara niya, hindi na niya sinagot pa ang tanong ni Papa na halata ang dismaya sa mukha. Nanlaki ang mata ni Mama, "jusmiyo por santos santisimas que horror, no way! Enjoy your youth, Thunder! Huwag ka munang magpapatali sa kasal!" Tinign