Third-person's Point of View Sa pagpasok ni Felicity sa loob ng maluwang na walk-in closet ni Elyana, naisip ng nakahigang babae sa kama na mukhang makapagpahinga na siya sa wakas dahil nakahanap na ang kababata niyang matchmaker ng ibang pagkakaabalahan, ngunit sa pagtitingin-tingin ni Felicity ng mga damit, sapatos at bags na naroon ay hindi niya nakontrol ang sarili na magkomento sa mga nakita roon. "Ano ba namang mga damit 'to, Elyana?" "Seriously?" "Oh my gosh! No! Noo!" "Seryoso ba mga ito ang dala mong damit gamit England?" "Yuck! So baduy! At ito—ano ba naman 'yan!" Ayan ang ilan sa mga narinig ni Elyana dahilan para magtalukbong na lamang siya ng blanket at nagtakip ng magkabilang tainga habang paikot-ikot ang mga mata sa loob. Kahit na mainit sa ilalim dahil sa panahon a