Nagtatawanan sila at nagtutuksuhan while we were having lunch. Kapansin-pansin kung paano asikasuhin ni Felix si Pretzel, inaalok ng kung ano-ano, nilalagyan ng kanin ang plato kung wala ng laman at pinaghihimay ng isda at alimango kahit na inaawat na siya nito. I couldn't take my eyes away from them. Naaliw and at the same time, there was envy. Tila ba ibang Felix ang pinagmamasdan ko nv mga sandaling 'yon. Napakalayo on how I knew him as a kid hanggang sa nagbinata. Siya ang pinakamasungit sa kanilang magkakapatid at pinaka-snob sa kanilang pamilya, but looking at him that moment made me wonder how much he had change for the long years. Felicity stayed the same, the talkative, loud and energetic person I have ever known. Napakalayo ng personality ng dalawa, but—watching him take care