Third-person's Point of View Nakatanggap ng mensahe si Felicity mula sa kaniyang ina na papunta na raw sa ospital si Felix dala ang pagkain na ni-request niya para kay Elyana. Hindi pa kasi ito nakapaghahapunan at dahil medyo late na na niyang nabasa, tiyak siyang nakarating na ito sa ospital nang mga oras na 'yon. Maari naman siyang makapagdala sa pagbalik niya, ngunit nang malaman kasi nito na nakauwi na ang kaniyang nakatatandang kakambal, naisip agad ni Felicity magkita ang dalawa nang sa ganoon ay makahingi na ng tawad si Felix kay Elyana na ipinangako nito noon sa kaniya na gagawin kapag nakabalik. A siya sa Maynila. Dumiretso na sa mansion ng mga Begum si Felicity upang manguha ng damit na masusuot ng kaniyang kaibigan. Kasalukuyan pa rin kasing roba lang ang suot nito at wala ng