Isang oras lang mahigit ang flight from Manila to Caticlan and mula sa paliparan ay sumakay ako sa isang van na provided ng hotel kung saan ako ng book ng VIP room at mula sa airport ay sasakay naman ako sa isang private boat na sila rin ang nag-provide for me. Easy travel and maganda ang accomodation nila mula nang makarating ako sa mismong hotel. I tried calling Felix's number para ipaalam na naroon na ako sa Boracay, but hindi na ako nagulat nang hindi siya ma-contact. Isang oras din ang layo ng hotel mula sa lugar kung nasaan sina Felix pero ayos lang. Malapit na 'yon kumpara sa Manila, ang mahalaga ay makaharap ko na ang babaeng sinasabi ni Felix na gusto niya at ang ipinalit ni Felicity as best friend sa akin. Gusto ko na sana silang puntahan kaso gabi na at gusto ko na ring magpa