Pagkabanggit ni Henry sa Batangas Lomi ay medyo kinilig naman si Denise dahil naalala pa pala nito pati ang bagay na iyon. Nagbalik din tuloy sa alaala niya na nung minsan may sakit siya at hindi nakapasok, nagtext siya kay Henry na dalhan siya ng lomi. Pagdating sa bahay nila ay pinapasok naman si Henry ng mama at papa niya sa kuwarto niya. Parang walang lagnat si Denise noon kung pupugin siya ni Henry ng halik. Naalala niya na kunyari ay sinasaway niya si Henry. “Ano ba, makita tayo nina mama.” Bulong ni Denise kay Henry. “Hindi naman sila papasok dito at saka ni-lock ko yung pinto. Nakita ko papaalis sila, baka papunta na sa tindahan ninyo sa bayan.” Sabik na sagot ni Henry at yakap yakap na si Denise. That time, Denise let Henry kiss her because how can she say no when she was al