bc

REVENGE

book_age18+
54
FOLLOW
1K
READ
billionaire
murder
revenge
possessive
twisted
bxg
heavy
serious
city
crime
like
intro-logo
Blurb

Buong buhay ni Allison ay inalay n’ya para sa hustisya ng kanyang magulang. Kung hindi ‘to madaan sa tamang batas? S’ya mismo gagawa ng sariling batas sa kamay.

Isang tattoo na hindi maalis-alis sa kanyang isipan.

Sa kagustuhan n’ya makuha ang gusto n’ya ay hindi s’ya nagdalawang isip na makipagkilala sa isang lalaki… sa lalaking may tattoo tulad ng tattoo na nakita n’ya sa taong pumatay sa magulang n’ya.

Pero paano sa paglapit n’ya rito ay unti-unti s’ya mahulog?

Ipagpapatuloy n’ya ba ang kanyang nasimulan or pipiliin ang kasiyahan na hindi n’ya na naramdaman simula iwan s’ya ng magulang n’ya?

chap-preview
Free preview
SIMULA
“Oh my gosh!” masayang tili ko nang makita ko ang isang magandang cake na dala-dala ng mama at papa ko. “Mama! Papa!” malakas na sigaw ko habang nakatingin sa kanila. It’s my thirteen birthday at akala ko ay hindi sila uuwi. Pareho silang busy sa trabaho habang ako sa pag-aaral. Hindi naman masama loob ko kung hindi sila uuwi dahil nag-celebrate naman kami ng mga kaibigan ko sa isang mall. Nilibre ko silang lahat. They gave me a money to treat them. Kaya naman nilubos lubos ko na at hindi ko aakalain na uuwi sila ngayon habang nakaupo ako sa kwarto ko at nakaharap sa iPad ko. “Ma! Akala ko hindi kayo uuwi?” Bumaba ako sa upuan ko at saka lumapit dito. “Happy birthday to you… Happy birthday to you… Happy birthday, happy birthday! Happy birthday to you!” ngumuso ako habang masaya nila akong kinakantahan. “Happy birthday sa pinakamaganda kong anak!” bati ni daddy sabay halik sa noo ko. “Ako lang po anak mo. Nag-iisa!” natatawang sabi ko at kahit si mama ay natawa. Agad kong hinarap ang cake at saka ngumiti. Tahimik kong pinikit ang mga mata ko. “Long live for this family, please…” Agad kong dinilat ang mga mata ko sa hinipan ‘to. “Wow, ang bilis mag-wish ha. Anong hiniling ng magandang anak ko. New iPad? New phone? Ano ba?” agad akong umiling kay papa habang natatawa. “Secret! Hindi kasi matutupad kung sabihin ko sa in’yo ‘yun,” sabi ko rito. Ginulo nito ang buhok ko at si mama naman ay nagpaalam na bababa para kumuha ng plate, knife and fork for cake. Agad kong niyakap si papa at saka hinawakan ang buhok ko. “I didn’t expect this, papa! Alam kong busy kayo pero thank you so much! You made me happiest birthday girl!” “Of course. Sino ba naman kami para hindi umuwi at alam namin naghihintay ang pinakamagandang anak ko." Hinawakan ko ang pisnge ni papa at saka pinisil. Agad akong tumingkad para humalik sa kan’ya. “Papa, aalis ba kayo agad?” I asked. “I don’t know… maybe after a week. Kasi may plano kami ni mama mo bukas para sa ‘yo, ” nanlaki ang mga mata ko. “I’m excited, papa! I am excited!” tumalon-talon pa ako. “But first of all, we need to prepare the table, okay." agad akong tumango. Umupo ako sa kama ko at pinanood si papa na ayusin ang table. Ang aking foldable chair. Nilagay n’ya ang cake roon at saktong pumasok si mama. May dala na rin ‘tong fresh orange juice. Sinalubong ko ‘to para kuhanin ang ibang dala para ilagay sa table. Umupo na kaming tatlo habang si papa naman ay hinahati na ang cake. “Allison,” tumingin ako kay mama. “Are you happy? I mean… wala ka bang gustong hilingin?” agad akong umiling dito. “Bakit, ma?” I asked. Ako unang nilagyan ni papa kaya ako na unang kumain. “Sarap!” nakangiting sabi ko. “If may gusto ka, anak? W mong kalimutan sabihin sa amin ha. Para agad namin mabigay. We’re sorry… alam mayro'n naman marami kaming ginagawa lalo na’t Mayro’n kaming bagong business partners,” malambing ang boses nito. “Okay lang po. Basta pag-uuwi kayo? Sa akin oras n’yo. Hindi n’yo naman po ako pinababayaan…” totoong sagot ko sa kan’ya. Mawawala sila ng ilang araw pero kahit isang beses? Hindi nila ako kinalimutan kamustahin, tawagan o ano pa. Laging may tawag ako mula sa kanila, kahit na isang buwan sila mawala. Hindi nila ako pinababayaan. Pagkatapos ng trabaho ay uuwi sila. Nasa akin na ang oras at gano’n din ako sa kanila. Kung saan-saan nila ako dinala. Lagi silang may dalang pasalubong sa akin. Oo, minsan? Nagtatampo ako. Pero nawawala lahat ng ‘yon sa tuwing bumabawi sila sa akin. Naiintindihan ko naman lahat-lahat. Marami silang kalaban sa business. Kaya minsan pag-iiwan nila ako ay dinadala nila ako kay Lola. Doon nila ako iiwan para lang may mag-asikaso sa akin. Kinalakihan ko na rin ang ganitong set-up kaya walang problema sa akin. As long as umuuwi silang buhay, humihinga at nakangiti sila ay masaya na ako. Para sa akin din naman ang lahat. Nag-iisa akong anak nila at alam kong ako hahawak lahat-lahat nito. Pinagbubutihan ko rin ang pag-aaral ko para makita nila na kaya ko. “Maiintindihan ni Allison lahat, darling. Don’t worry about her. She’s a big girl na right, baby?” “Yes, papa! I am na po. Dinudugo na nga ako ‘e,” natawa lang si mama sa sinabi ko. Natapos ang gabing ‘yon at tumabi sila sa akin matulog. Kinabukasan ay pinaalam ako nila mama at papa sa school. Balak namin pumunta ng beach habang nandito sila. Syempre, sinabi naman ni mama na pwedeng I-send via gmail ang module ko. Para hindi ako mahuli sa klase. “Wow!” “Allison! Wag kang lalayo sa amin huh?!” tumango ako kay mama. Tahimik lang akong naglalakad sa loob ng NAIA. Sila mama kasi may kausap sa cellphone at hindi naman ako lumalayo. Lumapit din agad ako sa kanila at saka humawak sa kanilang damit. Wearing a plain white puff dress and white heels. Nakapusod ng one-side ang buhok ko. We’re going to Amanpulo Resort. Isang private island ‘yon at hindi ko alam na matagal na pala silang may reservation doon after my birthday. Kaya naman hindi na kami nahirapan pa sa mga flights. First class ang kinuha namin at gusto nga ni papa ay hiramin na lang ang chopper ng kaibigan n’ya pero nagtalo pa sila ni mama kanina sa bahay. Papa wants a chopper but mommy doesn’t want it. Kaya naman walang choice si papa kung hindi hayaan si mama na magdesisyon. Well, they married because of love not because of business. Kaya wala rin choice si papa kung hindi sundin ang pinakamamahal n’yang asawa. “Let’s go.” Agad akong humawak kay mama habang tahimik kami naglalakad. Nauna agad kami dahil nga sa VIP sit ang kinuha nila. Tahimik na akong umupo sa bintana habang katabi ko si mama. Si Papa naman ay nasa harapan ng upuan ko. Kinakalabit ko ‘to at tumitingin sa akin. “Smile, honey!” Tumingin ako kay mama na hawak-hawak ang isang camera. I smiled at her, showing my perfect teeth. “Ang ganda talaga." sabay pisil sa pisnge ko. “Mama, ilang araw kayo rito?” I asked her. “It depends, anak. Don’t worry, we won’t spoil your day, okay?” tumango ako rito. Humalik ako sa pisnge nito. Nilabas ko ang cellphone ko saka kinuhanan ang sarili ko. Nakarating kaming ligtas sa Amanpulo. Tuwang tuwa ako habang nagtatalon sa white sand. Si mama at papa naman ay pumasok sa loob para mag-check in. Hinubad ko ang suot kong heels at saka nagsimulang maglakad. Sinimulan ko rin kuhanan ng picture at video ang paligid. “Miss, wag daw po kayo masyadong lumayo sabi ng mama n’yo,” tumingin ako sa lalaking nakasunod sa akin. “Okay!” Pumunta ako sa tubig at saka binabad ang paa ko. Walang gaanong tao? Hindi ba puntahan ang ganitong kagandang lugar. “Kuya, bakit walang tao?” “Dahil private po ‘to. Konti lang po pwedeng mag-check in dito,” napatango ako rito. “Ibig sabihin? Pwede dalawang family or three?” tumawa lang ‘to habang nakatingin sa akin. May nakakatawa ba sa tanong ko? “Ford! Stop, hanggang d’yan ka lang!” tumingin ako sa sumigaw. May isang lalaki roon na halos kasing tangkad ko lang at may glasses. Mukhang nerd and he’s ugly! Ang pangit n’ya as in, maitim ang balat. “I’m fine, okay?” “He’s so ugly." natawa ang lalaking nagbabantay sa akin. “He’s rich, too. Like you…” tumingin ako sa nagsalita. “I don’t think so…” Agad akong umalis sa tubig at saka pumunta na sa loob. Agad nitong tinuro kung na saan sila mama. Nandoon sila at nakaupo habang naghihintay sa akin. Agad akong pumunta sa kanila at saka naupo. “Order your food first, honey.” Agad kong kinuha ang menu. Natakam agad ako sa seafood kaya ‘yon ang inorder ko. Nakita ko ang isang lalaki na papasok din at saka naupo. Tahimik ko lang s’ya pinagmasdan at may kasunod ‘tong dalawang babae at isang lalaki. “Ford, wag ka masyadong malikot---” “I said I am fine!” galit na sabi nito kaya napairap ako. “So rude!” agad na sabi ko kaya napatingin s’ya sa akin. “Allison, don’t do that!” tumingin ako kay mama. Tumingin s’ya sa sinabihan ko, she smiled at the kid. “I’m sorry for her attitude,” hindi ako kumibo. “Allison, masama ‘yon. Wag mong gagawin ‘yon, okay?” “Rude naman talaga s’ya,” sagot ko rito. Dumating ang order namin ay masayang masaya akong kumain. Gano’n din si papa at minsan sinusubuan pa nila ako. Inubos namin ang mga araw namin sa pagligo, sa paglibot at iba pa. Sa pag-uwi namin sa Metro Manila at nakita ko ang kwarto ko na maraming teddy bear. “Papa!” Agad pumasok si papa sa kwarto ko kasama si mama. Agad akong hinila ni papa at tumingin s’ya sa mga bear na tanggal ang ulo habang may mga dugo. Hindi ko maiwasan matakot sa nakita ko kaya agad tinakpan ni papa ang mga mata ko. “Where’s yaya? Bakit? Sino gagawa nito? Nasaan ba sila?” I heard mama’s voice. “Ilabas mo muna ang bata,” si papa. Hindi ko maiwasan matakot sa nakita ko. Pinasok nila ako sa isang kwarto at sa kwarto na ‘to… ay may isang kwarto rin. Sa likod ng shelf ni daddy, madalas ako rito noon sa tuwing uuwi sila at may tampo ako. Inalis ni mama ang isang libro at bumukas na ‘to. Agad akong pumasok. “D’yan ka lang muna, okay?” “Bakit?” hindi ko maiwasan itanong at ngumiti s’ya sa akin. Sunod no’n ay isang barilan narinig ko mula sa labas. Tatakbo sana ako pero agad akong hinarang ni mama. “D’yan ka lang, okay? I’ll just check it, anak---” “Ma, si papa!” agad na sabi ko. “Just quite, okay? Naiintindihan mo ba ako?” hindi ko maiwasan tumango sa kan’ya. “Big girl ka hindi ba? Just stay here… okay? Your papa and me will be fine. Just follow my order?” tumango ako. Pero kitang kita ko sa kanyang mga mata ang takot. Lumabas s’ya at susunod sana ako pero sumarado na ‘to. Pilit kong binubuksan ‘to pero hindi ko na nabuksan. Nanginginig ako habang ginagawa ko ‘yon. “Sino kayo?!” narinig kong sigaw ni papa. Gusto kong lumabas pero hindi ko magawa. Hindi mabuksan. Kahit anong gawin ko ay hindi ko mabuksan. Binuksan ko ang isang mirror doon at doon nakita kong may mga lalaki sa harapan nila mama at papa. Nakataas ang isang samurai at may dalawang baril. Tinakpan ko ang bibig ko. Tumutulo ang luha ko at nanginginig ako sa takot. Hindi ko magawang kumapit sa pader dahil anytime ay para akong matutumba. Naka-bonet silang lahat habang nasa harapan ni mama at papa. “Sino kayo?!” “Eto lang ba ang inuutos? Eh sobrang dali naman pala. Walang security o ano…” hinahanap ko ang cellphone ko pero hindi ko makita. “Hanapin n’yo ang bata para isama na rin dito!” Tuloy-tuloy bumubuhos ang luha ko habang nakatakip sa bibig ko. “Sino kayo?! Ano bang ginawa namin?! Kung pera at alahas ang gusto n’yo ay pwede n’yo nang tangayin lahat! Hindi ko kayo isusumbong!” “Mas malaki makukuha namin kung papatayin namin kayo. Masyado na kayo nakaharang kay boss…” “Sino kayo? Wag n’yong gawin sa amin ‘to." halos magmakaawa na si papa sa kanila. Pero hindi nila pinakinggan. Natatawa pa sila at sunod kong nakita ay sila yaya. Gusto kong lumabas… gusto ko silang puntahan pero hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. “Mama…” mahinang tawag ko. “Pa…” “Hindi namin makita ang bata, boss. Mukhang tumakas na." “Imposible. Nakita natin na sabay-sabay silang pumasok dito kanina. Oh baka nagawa ng itago." tuloy tuloy bumubuhos ang luha ko. Napatingin ako sa isang lalaking nagtanggal ng bonet at sa kanyang gilid ng tainga ay may nakita akong isang itim na paru-paru at may nakasulat na hindi ko maintindihan. Tumitig ako rito at hindi ko maiwasan tandaan ang kanyang mukha kahit na puno ako nang takot. “Hayop ka! Pinagkatiwalaan ka namin!” sigaw ni papa rito. “Kasalanan ko ba na madali kayong magtiwala?” Humarap ‘to sa akin pero hindi ko alam kung nakita n’ya ako or hindi. Malamang hindi, dahil isang malaking salamin ang pwesto na ‘to. Makikita ko sila pero sila pero ako hindi. “Na saan ang anak n’yo? Pwede ko naman alagaan,” nakangising sabi nito. “Wag kang mag-aalala. Aalagaan ko s’yang mabuti…” “Hindi mo makikita ang anak ko. Kahit ano mangyari!” sigaw ni papa rito. “Sabagay, kahit naman ikaw hindi mo makikita!” nakangising sabi nito. Agad nagpaputok ang isang lalaki at napatakip akong bibig. Nanginginig ako at patuloy tumutulo ang luha ko. “Yaya!” sigaw ni mama at lumapit pa ako rito. Gusto ko silang puntahan pero paano? Hindi ko alam gagawin ko. Wala man akong magawa para sa pamilya ko. Ang mama ko! Ang papa ko! Sunod kong nakita ang paggalaw ng samurai at halos manigas ang katawan ko nang makita ko kung kanino ‘yon tumama. Dumilim ang paningin ko at bumagsak ako. Nagising na lang ako na maraming usok. Hindi ko maiwasan umubo. Hinahanap ko kung saan ako pwedeng dumaan. “Mama!” sigaw ko. Tumingin ako sa salamin pero wala na ang mga lalaki roon. “Mama ko!” sigaw ko. “Papa!” Tuloy tuloy bumubuhos ang luha ko. Pilit kong tinutulak ang likod ng shelf pero hindi ko magawa. Napaubo muli ako habang tinutulak ‘to. Unti-unti ako nawalan ng lakas at napaupo. Niyakap ko na lang ang sarili ko. Mama… papa… Hindi ko alam ano nangyari sa akin. Naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin, mga sigaw at iba pa. Pilit kong dinidilat ang mga mata ko pero wala, tinalo muli ako ng dilim. Dilim na kahit kailan ayoko ng balikan pero paulit-ulit sa isipan ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

His Obsession

read
74.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook